DAY 22 / NEW GEN ACADEMY / P.E. CLASS HOURS
PE class na ulit, at nasa school grounds ang halos lahat ng Grade Ten students. Meron kasing inter-section competition sa basketball ngayon.
Yung spirit at energy ng dinaig pa ang Intramurals or Sport fest. Basta talaga kapag competition, hindi magpapakabog ang New Gen at St. Mary.
"Ayan na yung section 3!" Sigaw ni Allain. Naunang tumili si Sara at sinundan namin siya. Nakaupo kami sa bleachers bench na nilaan para sa mga St. Marynians. Makabasag-tenga yung mga tilian nang lumabas na ang players ng Section 3.
Si Samuel lang ang pambato ng St. Mary sa section na 'yon. The rest of the sections ng Grade 10 karamihan ay taga-New Gen na ang players. Malamang eh, competition lang naman to sa PE subject eh.
Pero to think na nakasama si Samuel. Ibig sabihin, magaling talaga siya!
"GO, SAMUEL!" Sigaw ni Allain at Sara. Kahapon pa kami nagpa-practice ng cheering. Pero yung ingay ng lahat from both schools, parang hindi yata kami maririnig ngayon ni Samuel.
"Si Kyle daw maglalaro sa section 7." Sabi ni Phoebe na may dalang drinks. Naupo siya sa tabi ko. "Kalaban ni Samuel sila Kyle, ayun yung narinig ko kanina sa cafeteria."
"Ah, okay." Marahan kong sabi. Nagpatuloy kaming i-cheer si Samuel. Bring home the bacon!
"I've seen Samuel practiced, I know we will win!" Masiglang sabi ni Sara sabay inom ng coke. This girl, patay na patay talaga kay Samuel. Pero buti wala na yung nararamdaman kong guilt or awkwardness around her.
Samuel is my friend, and Sara has been a great supportive friend too. Mas sasaya ako kapag naging sila. If they decided to be just friends, edi okay lang din.
"Kaya nga kailangan pa nating mas i-cheer si Papa Samuel!" Sigaw ni Allain habang hawak-hawak ang banner na ginawa namin. "GO FOR PAPA SAMUEL LIM! HOOOOH!"
"Narinig mo ba sinabi ko, Merielle?" Tanong ulit sa akin ni Phoebe. Lately kinukulit niya ako about kay Kyle. At parang may gusto siyang gawin ako. Or may gusto siyang i-react ako about kay Kyle palagi. Hays.
"Oo, pero mas magaling si Samuel." I gave her a reassuring smile.
"Yes, sana nandito pa si Gino, papatumbahin nila yan ni Samuel for sure." Tapos non nakisigaw na din siya sa amin. Maya-maya, kinausap na naman niya ako. "So, does it mean na hindi mo na bet si Kyle?" Sarkastikong tanong sa akin ni Phoebe.
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Teen FictionKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
