CHAPTER 43 : Trouble, Trouble!

220 6 7
                                        


Monday morning at nag-announce ang principal na canceled ang first three subjects namin dahil magkakaroon ng elimination round para sa SciNAG. Sadly to say, meron lang kaming nalikom na 80 students and from there, ang top 20 participants ang magko-compete para sa contest.



That means ang 20 students na makukuha ngayon ang pinakamagagaling at matatalino. Actually, 19 lang naman talaga ang kukunin today kasi nga si Damian sasali rin para tapatan niya daw si Kyle.



Nasa backstage ng school auditorium kaming lahat na SC officers at hinihintay makapasok lahat ng participants. 



"Ten minutes bago tayo mag-start."  Panimula ni Damian while reading something from a folder he's holding. "Mia and the other committee members are assigned outside to assist the students. The remaining officers will stay here inside to officiate." Ang aga-aga straight English agad itong si Damian.



Napaiwas ako ng tingin sa kanya tapos nagpatuloy na lang akong mag-ayos ng mga questionnaires per subject. "Sander, make sure all participants are able to receive the questionnaires according to their category."



Blah, blah, blah. Go talk with that smart mouth of yours. Panget mo.



"Merielle, are you listening?" Nawala ako sa pagmo-moment ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Then the remaining officers are all looking at me. "I said you are going to ask the questions on the Science category later." 



Ha? "Bakit ako?" Akala ko ba si Damian ang assigned magtanong?!



"That's the one I'll be joining in for now." Sinara niya ang folder tapos inabot sa akin. "This is your copy."



"Ayoko, iba na lang." Mabilis kong pag-iling sa kanya. "Hindi maganda ang boses ko ngayon, saka bulol ako magsalita." Pagrarason ko sabay ubo kaunti. At ayokong mapalapit sa kanya no! Baka ma-issue pa ako! Baka sugurin ako ng honey niya!



"That's not my problem, Merielle." Damian looked at me like he's not taking my bullshit right now. "You have to officiate and ask the questions during my category. Kailangan mong palitan ako."



Kunot noo ko siyang tinanguan. At kinuha ko na lang 'yung folder.



Maya-maya pa ay lumabas na sa stage si Damian para magsalita. Pumwesto ako sa isa sa mga upuan sa harapan. "Good morning fellow students, today we are having an elimination round for the SciNAG competition next month."




Pinagmasdan ko na lang siya habang nagsasalita. Hanggang ngayon windang pa rin ako sa discovery ko nung huling magkasama kami.




Sino kaya 'yung honey niya?



Ano bang paki mo, Merielle?



Natauhan ako nang maramdaman kong parang may tumutusok sa likuran ko. Mabilis akong lumingon.



"Hi, Merielle." Natutuwang bati sa akin ni Sara. "Good morning. Excited na ako!" Sabi niya.



Naalala ko na naman 'yung nakita kong date nila ni Samuel nung sabado na magkasama kami ni--


"Good morning and good luck! Galingan mo ha." Kinindatan ko siya at nginitian nang maluwag. "Nasaan si Samuel?"



Para siyang namutla pero naka-recover din naman. "H-he's seated at the back, malapit siya kay Allain sa likod." Sabi niya, tapos umiwas siya ng tingin.




Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon