"Diba ikaw 'yung naglupasay sa New Gen nung Farewell party?"
"Ate, kamusta ka na? Buti hindi ka na-expel sa school nung nagwala ka sa party."
"Galing mo sumayaw nung Farewell ah!"
Pang-limang araw ng pagre-recruit sa mga participants ng SciNAG contest, at nandito ako ngayon nakabalandra sa school grounds para mag-accept ng forms ng mga gustong sumali.
At pang-limang araw na din ako tino-torture ng mga schoolmates ko dahil nga sa nangyaring accidental walwal ko sa New Gen.
"Pwede ba, mag-sign ka na lang? Trip mo sumali dito sa contest, don mo na lang ibuhos lahat ng interest mo tigilan mo buhay ko."
Pagmamaldita ko sa isang estudyante na dating participant ng School Visit, at malamang sa malamang ay napaanood kung paano ako sumayaw at humandusay nung gabing 'yon.
Napailing ako. Focus, kailangan kong ma-target ang 50 participants today.
Papalapit na ang target elimination rounds namin, at feeling pressured na ang SC officers na maka-recruit ng mga participants, mas madami means more chances of winning.
Pero five days na kaming nags-scout, 37 students pa lang ang interesadong sumali.
"Kalmahan niyo guys, ayusin niyo pila niyo dyan!" Napalingon ako sa katabi ko sa upuan, Si Mia. Bale, etong si SC Vice Mia, tinutulungan na ako, at sumama na din ang ilang officers at committee ng Student Council.
Grabe na rin kasing mag-pressure sa amin si Damian.
"Oo nga, lahat makakatanggap!" Pabiro kong sabi. That earned a laugh from the other students na nakapila at sa officers. At para na rin mawala sa isip nila na ako 'yung babaeng nakahandusay doon sa---
"Bakla, sabay-sabay daw tayo ng lunch." Bungad agad ni Allain pagkaalis sa pila nung kaharap ko. "Pumila talaga ako dito para sabihin sayo, nakakaloka ka ang busy busy niyo." Nakangiting sabi ni Allain.
"Allain, may target kaming 50 participants today." Mabagal kong sabi. "Sasali ka ba?"
Kumuha siya ng form sa desk tapos non nagumpisa na siyang mag-sign. "I am gonna try my luck in Asian Social Studies, sumabay ka lang sa amin mag-lunch."
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Talaga?"
"Bakla, you heard me right."
"Deal!"
Naubos ang pila matapos ang ilang oras na pagaasikaso. I checked my phone at malapit nang mag-lunch time.
Abala akong mag-ayos ng mga forms para makakain na nag biglang may lumapit sa akin.
"How's the number today?" Napatingala ako at tumambad sa akin si Damian na nakayuko naman sa akin.
He looks so tired kahit wala naman siyang ginawa at tinulong sa amin. Saan kaya nagpadpad ito?
Sasagutin ko na sana siya kaso naunahan ako ni Mia. "Uh, we got 22 interested participants today." Sabi niya sabay lapit kay Damian tapos bigay ng final list ng mga nag-sign ngayon.
Hindi inalis ni Damian ang tingin niya sa akin. "Good, pack this up, let's eat lunch in the office."
Nagkunot ang noo ko at nanahimik. Not again! Ninanakaw na naman niya ang precious time ko with my friends!
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Teen FictionKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
