Kumakaripas ako ng takbo papuntang school dahil nahuli na naman ako ng gising. Ilang araw ko nang gustong palitan ang alarm clock ringtone ko sa phone pero hindi ko magawa-gawa dahil minsan sa kapaguran o di kaya sobrang busy ko at nalilimutan ko na.
Ilang araw na din akong busy dahil nag-umpisa na ang review para sa SciNAG contest na gaganapin next month. Ibig sabihin, ilang beses na rin ako nakakauwi ng gabi na at pagod na pagod at laging nagigising ng tanghali. Nakakawala ng pagka-pretty ang ganitong set-up.
Halos lumuwa ang dila ko nang makatuntong ang paa ko sa loob ng school. Napalingon ako kay Manong guard na nakangisi sa akin at nag-thumbs up. "Good job, nakahabol ka na naman."
Ilang minuto na lang kasi, umpisa na ang klase.
Pagkapasok ko ng classroom sa Class B, nag-angat ng ulo ang ilan at tinignan ako sandali. 'Yung iba, tinawanan ako, at ang iba naman eh inismiran ako. Eh ano naman kung almost on time ako lagi? At least hindi ako late!
Hinihingal pa rin ako pagkaupo ko sa pwesto ko. "Yes, hindi ako late!" Napasabi ko ng malakas na siyang ikinatawa ng ibang nakarinig. Pati ni Allain na katabi ko.
"Very sweaty tayo today, ah?" Puna sa akin ni Allain. "Tapos mo na homework naten sa Trigo?" Sabay sundot niya ng tanong. "Pakopya!"
Napangisi ako. I may be almost-late, but I am always ready. "Oo naman, eto oh." Binuksan ko agad ang bag ko at kinuha ang textbook ko sa Trigonometry. "Good morning!" Bati ko kay Allain nung binigay ko na 'yung libro ko.
Well, hindi ako nagpuyat ng ganyan kakausap kina Samuel at Sara via videochat para lang magdamot. Nagpaturo lang din naman ako. Share the blessings!
Napalingon naman ako sa kabilang side ko, kay Damian. Sobrang busy sa pagsusulat. "Hi, good morning." Bati ko sa kanya habang nakangiti. Nag-angat naman siya ng tingin at kunot lang ng noo ang sinukli niya sakin. Sunget, as always.
Medyo matagal ko siyang tinignan. Simula nong nalaman kong wala pala siyang girlfriend, at ang pasabog ni Phoebe two weeks ago, naging mas komportable na akong maging mabait sa kanya. Well, minsan.
Ang hirap hirap niyang amuhin at kaibiganin!
"Anong sinusulat mo?" Tanong ko
"Things to do." Matipid niyang sabi. Simula nong naging busy kami dahil sa SciNAG review, hindi na siya gaanong palabati or nangaasar. 'Yung huling quality time namin eh nong nag-abang siya sa tapat ng bahay namin nakaraan pa.
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Fiksi RemajaKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
