Enjoy Reading~~~
---
Nathan's POV
"Is there any problem Mr. Dela Fuente?" Natauhan na lang ako nang dahil tinawag ako ni ma'am.
Umiling ako at bumalik sa upuan ko, siya yun, oo siya talaga yun, ang first love ko.
"Kindly introduce your self?" Umayos sila ng tayo, "Hi classmates, Cloe here." Kumindat pa siya na ikasigaw ng mga lalaki, napatingin ako kay Niel na nakasarado na yung kamao niya at nakakunot ang noo.
"Claire po!" Naghiyawan na naman yung mga lalaki. Nananatiling nakangiti ang kambal.
Nararamdaman ko? Kinakabahan na may kasamang galit, niloko na niya ko dati, hinding hindi ko hahayaang lokohin niya ko ulit.
Kailangan ko silang kausapin, kailangan kong hanapin si Dos nang matahimik naman ang buhay ko.
Niel's POV
Shit!
Pinaglalaruan ba ko ng tadhana?! Kung kailan ako nagkagusto kay Xandra, saka naman lumitaw si Cloe. Fuck!
Teka?! May nararamdaman pa ba ako sa kanya? Hindi! Hindi pwede! Kasabwat siya ni Dos!
Pero, kasabwat din si Xandra! Aishh!
3rd Person's POV
Pina-upo na sila Cloe at Claire sa kung saan ang dating upuan nila Alex at Xandra na sila din yun.
Nananatiling nakatingin si Niel kay Cloe kg abang si Nathan ay nakakunot ang noo nito.
Napangisi naman si Cloe sa nakita niya, habang si Claire ay napakunot ang noo habang pinagmamasdan sila Nathan.
Ang mga kaibigan naman nila na sila Jane ay nagtataka sa mga kilos nila Nathan.
Sila Miguel naman ay hindi maintindihan kung ano ang gagawin nila dahil sa nangyayare ngayon.
Shit! Anong balak nila Cloe at bumalik pa sila?!
Nasa isip ni Miguel, pinagmamasdan niya sila Nathan at mukhang hindi pa nakakamove on ang mga ito.
First love never dies nga!
Sa isip ni Vince, Mukhang mapapabilis ang paglimot kila Alex ahh! Si Troy naman,
Si Claire (Alex) naman ay nalilito sa nangyayare ngayon.
Samantala.....
Si Sheene naman na nasa 2nd year highschool ay gulat na gulat sa nakikita niya ngayon.
"Miley..." bulong ni Shenne. Hindi siya makapaniwala na nakita niya ulit ang dati niyang bestfriend na si Miley.
"Hi guys! Miley here!" Pagpapakilala niya sa buong klase. Naghiyawan yung ibang lalaki habang yung ibang babae ay nagchichismissan.
"Anong nangyare sa mukha mo?" Napalingon si Shenne at tiningnan si Daniel.
"Wa-wala.." Sagot niya.
Ang galing talaga ng tadhana nasa tabi pa ni Shenne ang may vacant seat kaya doon na lang pinaupo si Miley.
Umupo na si Miley, "Long time no see..." bungad ni Miley kay Shenne.
Hindi na lang pinansin ni Shenne si Miley at nakikinig na lang ito sa guro na nagdidiscuss ngayon.
Claire(Alex)'s POV
"Sorry students, we have an emergency meeting, enjoy your free time." Naghiyawan yung mga kaklase ko at nagsitayuan na yung ibang student and sumunod na sila sa teacher na lumabas na sa classroom.
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise