Enjoy reading~~
------
Alex's POV
Hayy! Umaga na naman at kailangan ko ng pumasok sa DFU. Tinatamad ako pero kailangan pa din.
Naglalakad kami ngayon ni Xandra papunta sa school. Kinuwento ko na sa kanya yung nangyare kahapon at nagulat nga siya dahil sa dinami-dami daw babae sa DFU ako pa daw ang pinili ni Nathan.
Nandito na kami sa may gate ng DFU ng nakita namin sila Kate, Ella, at Jane. Teka?! bakit nakabusangot yung mukha ni Kate?? Aishh....bahala na nga.
"Kate! Bakit nakabusangot yung mukha mo?" Tanong ni Xandra. Parehas pala kami ng iniisip ni Xandra. Tiningnan ko sila Jane at parang natatawa sila sa tinanong ni Xandra...bakit naman?
"Si Miguel kasi ehh! nakakainis siya!" Inis na sigaw ni Kate. si Miguel? Bakit? Ano bang nangyare kahapon?
"HAHAHAHAHA!" Hala! Biglang tumawa sila Jane...ano bang nakakatawa?
"Bakit kayo tumawa? Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Eto ohh tingnan mo!" pinakita ni Ella sa amin yung cellphone niya at pfft....
"HAHAHAHAHAHA!" kami ni Xandra pero tumigil na rin kami kasi ang sama ng tingin niya sa amin. Hala! galit na ata siya. Ehh hindi ko mapigilan ehh. Kasi naman pinakita sa amin ni Ella yung picture na binubuhat ni Miguel si Kate na parang sako. Hahaha.
"Sorry na." Sabi namin ni Jane pero pinipigilan namin yung tawa namin. Kasi naman ang sama ng tingin niya sa amin ehh.
"Okay lang." Inirapan niya kami pero pinipilit ko pa ding hindi tumatawa.
"Hi!" lumingon kaming lahat sa likuran ko at tiningnan kung sino yung nag-hi.
Si Mark pala ang naghi sa amin. Wahh! Ang gwapo niya. Kasama niya yung mga ka-gangmate niya.
"Hi!" Bati ko.
"Musta?" Tanong ni Rex sa amin. Grabe ang gwapo niya din. Tiningnan ko si Kate at hahahaha kumikinang yung mata niya ohh. parang ganito.
"Ahh okay lang kami. Kayo?" Tanong ni Jane. Grabe tong babaitang ito makatingin kay Bryle wagas.
"Ahh okay rin kami. Tara! Sabay na tayo pumunta sa classroom." Aya ni Lawrence sa amin. Magsasalita na sana si Ella ng biglang may sumingit.
"JANE!"
Vince's POV
Tch! Loko tong mga Black Venus na to ahh. Tapos si Jane naman parang may gusto kay Bryan. NO! HINDI PWEDE TO!
"JANE!" Tawag ko at hinila ko siya. May sasabihin lang ako sa kanya.
Hinihila ko si Jane. Pumapalag nga siya ehh. Siguro dahil yan kay Bryan. Kasi nga kinakausap niya yung mga Black Venus na yan.
"Let me go!"
Dinala ko siya sa garden at pina-upo ko siya sa bench.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko sa kanya.
Sinamaan naman niya ko ng tingin, "Ano bang ginagawa natin?! Natutulog?! Malamang nag-uusap tayo!" Sigaw niya sa akin. Parang isang kilometro ang layo namin ahh! Makasigaw kasi ehh.
Napahawak ako sa batok, "Okay. Umm huwag mo nang lapitan sila Bryan ok?" Utos kosa kanya. Ehh sa ayaw ko, nakakainis ehh.
"Bakit ba?! Ayaw ko nga!" Aishh ang ingay niya talaga. Vince konting tiis lang.
"Basta!" Sigaw ko din sa kanya.
"Anong basta?! Ayaw ko nga! Atsaka pake alam mo ba?!" Napatikom ang bibig ko. Oo nga nohh pake alam ko ba? Ehh basta!
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise