Enjoy Reading~~~
-----
Kim's POV
"Sino ka?"
Sino sila? Arghh nasaan ba sila Prince?
"Kim, ako to si Kyle yung boyfriend mo." boyfriend? WTH?!
"Boyfriend? Tsk! Swerte mo naman." Kasabay nun ang pagngisi ko.
Kyle's POV
Shit! Bumalik na naman yung ugali niya nung una naming pagkakilala sa kanya.
Flashback:
Nandito kami ngayon sa Underground battle, well pinapanuod lang namin yung mga lumalaban. Nakapwesto kaming mga Black Wolves dito sa taas kung saan nakaupo ang mga nasa rank 10.
Rank 1 kami, halata naman diba? Ako ang leader ng Black Wolves habang si John naman ang founder nito.
Tapos na ang laban kaya tumayo na kami.
Palakad pa lang sana ako ng bigla na lang nagsalita yung MC.
"Ladies and gentlemen let's all welcome, Dark Wolf!" nagsigawan yung mga tao pagkalabas nung lalaking nakaitim na leader jacket at pantalon tapos nakamaskara pa siya. Tsk!
Lumapit siya sa MC saka may binulong siya doon.
Tumango naman yung MC atsaka bumalik sa pwesto niya.
"Hmm... magiging maganda ang laban na to. Gusto ni Dark Wolf makalaban ang Rank 1 ang walang iba kundi ang Black Wolves. 1 vs 7." Mas lalong lumakas yung ingay dito sa UG. Dahil sa sinabi ng MC.
Ang yabang nito ahh. Kabago-bago palang gusto na niya kaming kalabanin.
Pumunta kaming lahat sa gitna ng UG at saka pinagmasdan ko itong mayabang na to.
Lumapit siya sa akin kaya lumapit din ako sa kanya.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Pwesto mo." sabi niya na ikinatawa ko.
"Sa tingin mo ba ibibigay ko kaagad ang aming titulo bilang rank 1?" Napansin kung tumahimik ang buong UG dahil siguro nakikinig sa amin.
"Hindi yun ang hinihingi ko." anong ibig niyang sabihin?
"Gusto kong kuhanin ang titulo bilang leader ng Black Wolves." nagulat naman ako sa sinabi niya. Pvta! Ang yabang niya, sarap patayin!
"Paano naman kung nanalo kami?" tanong ko sa kanya.
"Bahala kayo kahit magpakamatay ako sa harap niyo gagawin ko." napasigaw naman yung mga tao. Tsk, ubod talaga ng yabang itong gagong to.
"Sige pag natalo ka magpapakamatay ka sa harap namin." Sabay ngisi ko. Patay kang gago ka.
Tiningnan ko naman si John at inis siyang tumango sa akin. Nayayabangan to kay yabang.
"So deal?"
"Deal."
"Okay! Mukhang ready na sila! Dark Wolf vs Black Wolves Fight!" nagsigawan na yung mga tao dito pagkasabi nung MC ng fight.
Nagulat ako ng bigla na lang sumugod si John. Galit na talaga to.
Sinusuntok niya si Dark habang kami naman ay nakatayo lang.
Ito namang si Dark puro iwas lang ang ginagawa niya. Tsk.
Nagulat kami ng bigla na lang nasipa ni Dark yung mukha ni John at yung tyan niya. Napaluhod siya saka nagdura ng dugo.
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise