Special Chapter 2 - Niel Dela Fuente

2K 41 0
                                    

Enjoy Reading~~~

----

Niel's POV

"Congratulations! Nakapasa kayo sa auditions!" Napangiti ako sa sinabi nung talent manager sa amin habang si Ivan naman at napasuntok sa ere at sumigaw sa saya.

"Wooh! Mark, nakapasa tayo! Inuman na!" Sigaw niya pero si Mark ehh napailing na lang.

Nandito kami ngayon sa S Company para mag-audition. Matagal ko na din tong pangarap maging isang singer.

Sa totoo lang si Ivan ang nagpasimuno ito, gusto niya maging sikat na singer at drummer para lang mahanap niya si Kim.

Ilang buwan na ba simula nang nagtatago si Kim? Mga 6 months na din.

Kung iniisip niyo kung tumigil na ko sa pag-aaral well, nagkakamali kayo, sa internet na ko nag-aaral dahil hindi ko na din magawang makapunta sa school dahil masyado na ko busy sa pag-banda kasama sina Ivan at Mark.

Si Mark? Hmm...he told me na wala na daw sila ng girlfriend niya and he didn't tell me the reason. Kaya ngayon wala siyang magawa at naisipan ko ding imbitahan siya dito sa banda at pumayag naman siya.

Napatigil kami sa ginagawa namin nang nagbukas ang pinto sa kung saan kami ngayon.

"Pinapatawag po kayo nang CEO ng S Company." Nanlaki naman ang mata namin ni Ivan habang si Mark ay tumango lang.

Sinundan lang namin yung lalaki atsaka kami sumakay ng elevator. Nandito kasi kami sa ground floor ng building at ang floor kasi sa kung saan yung CEO ay sa 5th floor.

Medyo hindi pa naman kasi sikat itong Company na to dahil kakabukas lang nito last year. At wala pa sila pinapa-debut na artist.

Pagdating namin sa 5th floor, nagbukas ang elevator at hallway agad ang salubong sa amin.

"Diretso lang kayo sa pinakadulo yung office." Sabi nung talent manager. Tinanguan namin siya atsaka nagsimulang naglakad papalapit doon sa pintuan.

"Ma! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na gusto ko mag-audition?! Bakit niyo ba ko pinipigilan?!" Napahinto kaming tatlo sa harap ng pinto ng CEO office dahil sa sigaw ng babae.

"Because I want you to finish your studies first, pagkatapos mo mag graduate gawin mo na ang lahat ng gusto mo." Rinig naming sigaw. I think that is the CEO's voice.

"Hindi ko naman papabayaan yung pag-aaral ko ma." Paliwanag nung isa.

"Lumayo nga tayo masama makinig sa ibang usapan." Sabi ni Mark, tinanguan ko siya pero si Ivan ehh nilapit pa niya ang tenga sa may pinto, tsismoso talaga to.

Hinawakan ko yung laylayan ng damit niya atsaka hinila palayo sa pinto.

"Ano ba? Kita mo naman na nakikinig ako sa--"

"Kailan ka pa naging tsismoso?" Tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang naman." Sagot niya.

Sesermunan ko pa siya nang biglang nagbukas ang pinto ng CEO office at bumungad sa amin ang babaeng....what the hell...

Siya yung babaeng sumuntok sa akin sa bar diba? Tapos siya yung...shit...masisira image ko.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mata nang makita niya ako.

Agad naman umiba ang tingin niya sa akin, "Babaero pshh.." nilampasan niya na kami palingon na ako nang makita ko ang mukha ni Ivan. Nakangiting aso ang gago.

"Anong tinitingin mo?" Inis kong tanong sa kanya atsaka naunang pumasok sa CEO room.

"Good afternoon gentlemen." Nakangiting bati ng babaeng nasa mid 30's sa amin. She must be the CEO.

"Good afternoon po miss.." medyo alinlangan bati ko sa kanya.

Tumawa naman siya sa pagbati ko, "Just call me Miss S." Tumango naman ako sa sinabi niya.

Naramdaman ko naman ang pagpasok ng dalawa at pumwesto sa likuran ko.

"Good morning po." Sabay na bati nina Ivan at Mark.

"Okay I just want a briefly discussion with all of you." Pagsimula niya atsaka tumayo at lumapit sa amin.

"Didiretsuhin ko kayo ahh.." sabi niya, "I want you to debut by end of this year." Nanlaki ang mata ko. What?! June ngayon tapos end of this year kami magde-debut?!

"Hindi po ba masyadong maaga yun?" Tanong ko pero nginitian niya ko.

"I know masyado pang maaga para sa inyo pero konting training lang naman ang kailangan sa inyo dahil magagaling na kayo." Paliwanag niya. Pero kasi...

"Sige po payag kami." Sabay kaming napatingin lahat kay Ivan sa sinabi niya. What the hell Ivan!

"Okay good! You may go now, tatapusin muna namin ang pag gawa ng contract niyo." Wala na akong magawa kundi tumango na lang atsaka nagpaalam at lumabas ng office.

"Ivan, bakit ka pumayag?! Masyado pang maaga!" Sermon ko sa kanya pagkalabas namin.

"I know masyado pang maaga pero gusto ko na mahanap si Kim." Paliwanag niya na ikinainit ng ulo ko. Tangina masyado na siyang desperado.

"Ivan babalik yun kung mahal ka niya, masyado ka nang desperado kung hindi ka na niya babalikan tanggapin mo na la--"

"Matanong nga kita, naka-move on ka na ba kay Cloe?" Napatigil ako sa sinabi niya, anong kinalaman ni Cloe dito?!

"Ilang taon nang nakaraan Niel pero hindi ka pa din nakakamove on kay Cloe. Kaya huwag kang magmagaling dyan." Sabi niya atsaka naunang naglakad palayo sa amin. Fucking hell, natamaan ako doon.

Ilang taon na bang lumipas? Bakit hanggang ngayon hindi pa din ako naka-move on sa kanya?!

I'm still inlove with her, fuck!

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon