Chapter 12 - Barbie And Ken ✔

7.3K 130 4
                                    

Kim's POV

"B-barbie?"

"K-ken?"

Tumigil yung mundo ko dahil nakita ko na siya. Nasiya ang umiwan sa akin noong grade six pa kami. Talkshit siya as in. Hindi niya tinupad yung promise niya sa akin.

Tinulak ko siya at tumayo na ko dahil parang iiyak na ko.

"Umm A-alex, cr lang ako." Pagtalikod ko bigla na lang tumulo yung luha ko at tumakbo na ko paalis.

Ivan's POV

After many years nagkita kami ulit at alam ko na galit siya sa akin dahil hindi ako tumupad sa promise ko sa kanya.

Pagkatapos niyang kausapin si Alex. Bigla siyang tumakbo paalis kaya hindi nako nagdalawang isip na habulin siya. Tumakbo ako paalis ng classroom.

Habang palayo ako ng classroom may biglang sumigaw galing sa clasroom.

"Go Ivan! Go Ivan!" Tss. Boses ni Miguel. Bakla talaga nun. Pangcheering kasi yung pagkasigaw niya ehh.

Sinusundan ko lang si Kim na tumatakbo na palabas ng building. Akala ko ba pupunta siya sa cr?

Kim's POV

Pagkatapos ng napakahabang takbuhan napadpad ako dito sa garden ng DFU.

Umiiyak parin ako hanggang ngayon kasi hindi parin maalis sa isip ko kung paano ginawa ni Barbie sa akin. Aishh bakit barbie parin tawag mo sa kanya ha, Kim?! Dapat Ivan! Ivan! Hindi Barbie!

Napaupo ako dito sa damuhan habang walang tigil kakalabas ng luha galing sa mata ko.

"K-ken."

Tss sinundan niya ko? Aishh luha! Tumigil ka na nga!

Lumingon ako sa kanya. At bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil bakas sa mukha ko na umiiyak ako.

Ivan's POV

Hindi ko kaya na makita siyang umiiyak dahil pag umiiyak siya nanghihina ako. Hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

"Pwede ba?! Huwag mo nga kong tatawaging Ken! Wala na siya!  Wala na yung Ken na iniwan mo!" 

"Ken, sorry! Sorry dahil iniwan kita nung graduation natin! Sorry dahil hindi ako tumupad sa promise ko sayo! Sorry kong talkshit ako! Please Ken huwag ka ng magalit sa akin!"  bigla na lang may tumulo na luha galing sa mata ko. Shit naman ohh! Nakakabakla!

"Hindi ko kayang tanggapin yang sorry mo Ivan! Hindi ko kaya! Dahil ikaw ang dahilan kung bakit muntik na kong mamatay nung graduation natin!" nang dahil sa sinabi niya. Napatigil ako. Anong pinagsasabi niya? Muntik na siyang mamatay nung graduation?

Kim's POV

"Ohh ano ha! Napatigil ka? Tapos ano?! Magsosorry ka na naman?! Hinding-hindi ko tatanggapin yang sorry mo Ivan!"  Iniwan ko na dun si Ivan na nakatulala. Oo simula ngayon Ivan na ang tawag ko sa kanya hindi Barbie. Dahil patay na si Ken nung graduation namin.

FLASHBACK:

Kanina ko pa hinihintay dito sa labas ng school si Barbie pero hanggang ngayon hindi parin siya dumadating.

May dumaan na kotse at alam kong kotse nila Barbie yun. Kaya tinawag ko siya.

"BARBIE!!" Pero patuloy paring umaalis yung sasakyan kaya hinabol ko.

"BARBIE!!" Habang hinahabol ko yung kotse.

"BARBIE!!" Pero hindi ko namalayan nasa gitna na pala ako ng apat na kalsada kaya napatigil ako.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon