Enjoy Reading~~
------
Behind those mask, behind those sweet smile, behind those innocent smile.
There's the devil hiding behind those.
You better be careful. Or else you might be the victim by those smile.
---------
New York City.....
"Pare, ito yung litrato ng asawa ko"
Binigay nung lalaking may edad na 35 ang litrato ng kanyang asawa sa kaibigan niyang kasing edad din niya na classmate niya noong kolehiyo. Ang lalaking kausap niya ay ang bestfriend niya na isa sa mga tumulong upang paibigin ang asawa nito.
Nasa isang mamahaling restaurant nag-uusap ang magkaibigan.
May inabot pa yung lalaki sa kaibigan niya ang isa pang litrato.
"At ito yung litrato ng mga anak ko noong apat na taong gulang pa lang sila."
Pinag-uusapan nila ngayon ay yung tungkol sa nawawala niyang kambal na anak na sumama sa kanilang ina nung apat na taong gulang at nawalan na siya ng balita sa mga ito. Dahil magaling magtago ang mga ito.
"Ilang taon na ba sila ngayon, pare?"
"18 years old na sila pare." Ani niya, napasara siya ng kamao niya, miss na miss na niya ang kanyang mga anak at asawa, ilang taon na siyang nag-iisa sa buhay at patuloy na hinahanap ang mga anak, at ang masakit pa ay nabalitaan na niyang namatay ang kanyang asawa.
"Sige pare, ipapadala ko yung mga anak ko sa Pilipinas para hanapin nila yung mga anak mo." Kinamayan nung lalaki yung kaibigan niya. Hindi siya nagsising manghingi ng tulong sa kaibigan dahil malaki ang tiwala niya dito.
"Salamat pare sa tulong mo." hinawakan nung kaibigan niya ang balikat ng lalaki, "Walang anuman pare, ako pa."
Nagpatuloy silang magkwentuhan ng tungkol sa asawa nung lalaki at yung ibang negosyo nila.
Sana mahanap nila ang mga anak ko.
Sa Pilipinas .......
"Xandra, sagutin mo nga itong personal information para sa enrollment natin." utos ni Alex sa kambal niya.
"Opo ate." sagot ni Xandra sa kambal, umupo na siya sa upuan at sinagot ang lahat ng tanong na kailangan sagutin.
Kakatapos lang isulat ni Alex yung mga kailangan doon sa personal information niya para makapasok na sila sa DFU bukas.
Siya nga pala si Alexandra B. Santos. Alex for short. At may kambal siya na si Alexandra B. Santos din Xandra naman for short. 18 years old na sila and mas matanda si Alex ng 3 minutes kaya ang tawag ni Alex kay Xandra ay ate upang magbigay ng galang.
Malapit na ang pasukan at nandito sila ngayon sa Dela Fuente University para mag-enroll.
"Ate tapos na ko." Binigay ni Xandra yung personal information niya kaya lumapit na si Alex sa staff at binigay yung mga kailangan.
Pagkatapos ng ilang minuto, binigay na nung staff yung mga requirements kay Alex para sa 2nd year college.
Lumapit si Alex kay Xandra at binigay ko na rin yung kopya.
"Thank you ate, ngayon na ko bibili ng mga kailangan ko. Sama ka?" Tanong ni Xandra kay Alex, binigay na din kasi sa kanila yung mga kailangan nila sa school.
"Hindi ako makakasama Xandra, may gagawin pa ko." sagot ni Alex kay Xandra, may trabaho kasi ngayon si Alex habang si Xandra ay day off niya.
"Ahh okay ate, ako na lang bibili ng lahat ng kailangan natin." Masiglang sabi ng kambal.
"Huwag na lang Xandra, mabigat pag dinoble mo pa, bukas na lang ako bibili." medyo malayo din kasi yung bilihan ng mga school supplies sa bahay nila, kaya mabibigatan lang si Xandra.
"Sige ate babye." nauna nang lumabas si Xandra sa office kaya inayos na ni Alex yung mga gamit niya at sumunod na lumabas.
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise