Enjoy Reading~~
----
Nathan's POV
Nandito kami ng Black Pirates at Black Wolves dito sa hospital.
Dinala na namin si Jong kaagad sa hospital dahil sa dumudugo ang ulo nito.
Mga gago ang gumawa nito kay Jong. Pero diba ang galing ni Jong sa pakikipaglaban? Paano siya natalo sa mga gumawa nito?
Hindi kaya ehh yung sumaksak sa kanya nung sa parking lot?
Hanggang ngayong hindi pa umaamin yung lalaking hinuli ni Drake.
"Bullshit! Sino ba ang gustong pumatay kay Mike?" sigaw ni Kyle.
"Kalma lang Kyle, magiging okay lang ang la--"
"ANONG KAKALMA?! ILANG BESES NG NACONFINE SI MIKE DITO SA HOSPITAL PERO HINDI PA NATIN ALAM KUNG SINO ANG MAY GAWA SA KANYA!" Nagulat naman si Renz sa pagsigaw ni Kyle. Tsk. Sino ba yung gumawa sa kanya nito?
Prince's POV
Nandito kami ngayon sa bahay namin. Ewan ko pero bigla na lang akong kinabahan na ewan. May nangyare ba?
Si Shin kaya kamusta na siya?
Matagal na kaming walang koneksyon sa isa't isa kaya nung nakita ko siya ay bigla na lang ako nagalit sa kanya. Dahil siguro sa pag-iwan niya sa amin.
Nung time na siya pa ang leader ng grupo, may pinagawa sa kanya si Dos o kaya ehh binigyan ng misyon, ang hanapin ang pamangkin nila Kim.
Pero ilang araw ng nalilipas, hindi pa rin siya bumalik hanggang sa may pumunta sa amin na tauhan ni Dos na sabihin na nagquit na sa grulo si Shin at ibinigay niya sa akin ang responsibilidad na maging leader ng grupo.
Bigla akong nagalit sa kanya dahil nabalitaan ko na gumawa ulit siya ng grupo sa labas ng empire.
Nagalit ako dahil akala ko ipinagpalit na niya kami pero iniutos pala sa kanya ni Dos yun.
Medyo naguilty ako nung pinilosopo ko siya ng nag-usap ulit kami.
"Prince, si Shin dinala sa ospital." sabi ni Nick.
"What?! Ano nangyare kay ate?!" sigaw ni Zoren.
"Prince, binugbog siya ng mga tauhan ni Dos." sabi pa ni Nick.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Rave.
"Nakita ko sa cctv ng Empire. Yung pagpasok niya sa opisina ni Dos, tapos paglabas niya akay-akay na siya ng mga tauhan ni Dos at dinala siya sa kulungan. Kinabukasan, pumunta si Dos sa kulungan at kinausap si Shin tapos sinampal niya bigla si Shin saka pinabugbog niya ulit ito." sabi pa ni Nick. Si Nick ay isang magaling na hacker na pati ang Empire ay kayang ihack nito.
Bullshit! Kahit kapatid niya hindi niya pinalalampasin.
Kailangan may gagawin ako.
"Nick, ihack mo ang profile ni Nathan Dela Fuente. Kailangan kong makuha ang number niya." sabi ko.
"Sige." pumunta na siya sa kwarto niya.
Ito lang ng magagawa ko Shin.
Nathan's POV
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" may lumabas na doctor galing sa Operating Room kaya napatayo aming lahat.
"Boyfriend niya po ako. Kamusta po siya?" sabi ni Kyle doon sa doctor kaya napalingon ito sa kanya.
"I'm sorry to say but the patient have been in a comatose situation.. there's a part on her brain that was damage and we can't say when she will regain her consciousness." Fucking hell. Shit!
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise