Chapter 8 - I Hate You Jerk! ✔

9.2K 192 0
                                    

Enjoy reading~~

Alex POV

"Gangster ka rin pala Mark?" Tanong ko. Oh my ghad! Iniisip ko palang na nakipagbugbugan siya, ang cool niya!

Narinig kong nagbubulungan yung mga studyante sa canteen.

Hala! Napatakip ako ng bibig. Tumingin ako kay Nathan at ang sama na ng tingin niya sa akin. Shemay! Patay! Yung bibig mo Alex, ang sarap lagyan ng zipper.

"Ahh...ehh...sige, aalis na ko." paalis na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko at kinaladkad ako palabas sa cafeteria.

tiningnan ko kung sino at si Nathan? Napalunok ako, patay na talaga ako. Help me!

Kate's POV

Nakita ko na lang na hinihila ni Nathan si Alex paalis dito sa cafeteria. Alam ko nang gangster sila Nathan pero sila Mark ngayon lang kasi ngayon lang din namin sila nakilala.

"Halika na punta na lang tayo sa classroom, magtitime na ehh." Aya ni Jane.

"Ehh paano si ate?" Nag-alalang tanong ni Xandra.

"Pabayaan mo muna silang dalawa ni Nathan." Sabi ni Ella na parang kinikilig.

"Oo nga noh, baka you know..." sabi ko sabay kindat sa kanila, alam naman na nila ang ibig sabihin nun pero si Xandra...

"Anong you know Kate?" Gusto kong batukan si Xandra sa pagiging slow niya.

"Aishh basta punta na tayo sa classroom." Aya ko.

"Sige, time na ohh." Napatingin naman kami sa relo dahil sa sinabi ni Ella. Oo nga, time na.

Pumunta na kami sa classroom kasi magtitime na. Ano kayang nangyare kila Nathan at Alex?

"Umm...Ella samahan mo ko sa cr tumatawag ang kalikasan." Nagmamadaling sabi ni Jane na ikinangiwi ko. Loko tong babaita na to. Anong tumatawag ang kalikasan? As in call of nature? Hindi na lang sabihin naiihi siya.

"Ok! Umm Kate, Xandra mauna na kayo sa classroom sasamahan ko lang siya." Paalam ni Ella sa amin. Tinanguan naman namin siya pabalik.

Sinamahan na niya si Jane medyo malayo rin yung cr ehh kaya pumunta na kami ni Xandra.

Nandito na kami sa classroom at hinihintay namin yung prof namin English na yung next subject, hay nako. Nagbabasa ako ng book kasi alam kong magkakaroon na naman kami ng bagong lesson.

"Xandra nasaan na yung kambal mong malandi slash baboy?" Agad akong napatingin sa pwesto ni Xandra. Si Marie yun ahh, pinalibutan nila si Xandra kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Hoy Marie! Hindi malandi slash baboy si Xandra! Baka ikaw yun! Kanina ka pang umaga ahh!" Inis kong saad. Grabe na tong babaeng to. Kung makasalita akala mo kung sino ehh noh. Masasampal ko na toh! Pigilan niyo ko.

"FYI Kate bulag ba? Sino ang nakikipaglandian kay Nathan ko? Diba siya. Mang-aagaw siya! Atsaka tingnan mo nga yung katawan ko. Hindi ako baboy katulad ng magkakambal na yan." Sumusobra na siya ahh. Nilapitan ko na si Marie at sinampal ko siya.

Napahawak siya sa pisngi sa kung saan ko siya sinampal. "You bitch!" sasampalin niya sana ako ng biglang may humawak sa braso niya.

"Don't touch her." Banta niya kay Marie. Napa-roll eyes ako, feeling hero ang jerk.

"Siya ang nau--"

"Just shut up. Bumalik ka na sa upuan mo." Putol niya kay Maire. Nakita kong sinamaan ako ng tingin ni Marie kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon