Chapter 11 - Date ✔

7K 154 6
                                    

Edited..

Enjoy Reading~~

----

Alex's POV

Sabado na pala at wala akong ginagawa dito sa bahay kundi matulog, kumain, naglilinis ng bahay. Ganda ng araw ko diba? Pshh.

Habang nagpapahinga ako sa sofa, naramdaman ko na lang may nagvibrate sa mesa. Agad ko naman inabot yun at tiningnan.

From: Unknown

Hi Alex. Mamayang 12pm tayo lalabas. Saan pala yung address ng bahay mo?

-Mark

OMG! Hahahaha si Mark! Oo nga pala, nakalimutan ko na lalabas kami ngayon buti na lang tinext niya ko.

Pero teka?! Hindi niya pwede malaman yung address ng bahay. Nakakahiya.

Pinalitan ko yung unknown sa pangalan niya.

To: Mark

Umm....Mark. Sabihin mo na lang sa akin yung pupuntahan natin doon na lang tayo magkita.

Ayan send hahaha---

Ayy! Ang bilis mag-reply! Kinikilig ako! Ahahaha.

From: Mark

Sige. Pumunta ka na lang sa SM Megamall doon na lang tayo magkita sa foodcourt.

Hayy salamat buti na lang pumayag siya. Hindi talaga niya pwedeng malaman kung saan kami nakatira atsaka nakakahiya kaya.

Tiningnan ko yung relo ko at 10pm na. Kaya kinuha ko nayung twalya at pumunta sa banyo para maligo.

Vince's POV

Sheez kinakabahan ako kasi first date namin ni Jane.

30 minutes akong naligo at isang oras ako nagpapogi sa salamin kaya sana walang makakasira sa date namin kundi ipapakain ko siya kay Zuma. Bwisit lang ang maninira.

Nandito na ko sa harap ng bahay ni Jane at nagdoorbell na ko.

May nagbukas ng pinto nila at ang nagbukas ng pinto ay si.....

Bryan?!

What the?! Gago to ahh! Anong ginagawa niya dito?!

"Bakit ka nandito ha?!" Salubong ko sa kanya.

"Bakit?! Ikaw ba ang may-ari ng bahay na to?!" Inis ko siyang tiningnan. Kapal ng mukha ng lalaking to.

"Oo. Titira din ako dito in future kaya umalis ka na dito!" Mayabang kong sabi sa kanya. Totoo naman ahh. Titira din ako dito kasama si Jane.

"Anong pinagsasabi mo Vince?" Bigla na lang nagpakita si Jane na parang kabute sa likuran ni Bryan.

"Bakit? Totoo naman ahh. Tayo rin ang magkatuluyan tingnan mo. Pustahan tayo." Nginisihan ko si Bryan na nakakunot ang noo niya ngayon.

"Tss. Asa! Kami ang magkakatuluyan!" Aba! Loko to ahh. Lalapitan ko na sana siya ng bigla akong hinila ni Jane palabas ng bahay niya.

"Umm Bryan. Kailangan ko ng umalis. Kita na lang tayo bukas ahh." Sabi niya habang hawak ang kamay ko. Ewan ko mga brad pero kinikilig ako.

"Ahh sige Jane. Bukas ahh yung date natin. Susunduin kita." What?! May date sila bukas?!

"Jane, diba sabi ko sayo. Layuan mo si--"

"Vince naman akala ko ba nag-usap na tayo. Hindi pwede kasi kaibigan ko siya." Wala na kong magawa kundi tinanguan siya.

"Aishh. Sige na nga. Halika na date na tayo." sabay kindat ko sa kanya. Ako na ang humila sa kanya hanggang sa narating na namin ang sasakyan ko.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon