Chapter 45 - Maine ✔

2.9K 77 9
                                    

Hayy wala nang pag-asa yung lappy ko kaya hindi ko kayo madedi.

Minadali ito masyado kaya lame~~~

Well dedicated kay @ladycez26

Enjoy reading~~~

--------------

Karl's POV

"Cloe, si-" nagulat ako ng may tumakpan sa bibig ko.

"Shhh, ipapaliwanag namin mamaya." Napakunot yung noo ko sa sinabi niya, anong pinagsasabi nito?

"Halika na baka malate pa tayo." Nagpalingga lingga ako sa paligid pero hindi ko na siya nakita.

Tinanggal ni Cloe yung kamay niya sa bibig ko, "Ano bang ipapaliwanag niyo?" Tanong ko.

"Basta mamaya na, mag-enroll ka muna." Aniya saka hinila ako papunta sa kung saan.

Napahinto na lang kami sa harap ng pinto na may sign na registrar. Nakakatamad mag-aral pero kailangan ko to, babatukan lang ako ni ate Claire.

Pagkapasok ko buti na lang walang pila, Ehh gago ka pala ehh magdedecember na, sa tingin mo madami pang mag-eenroll?

Claire's POV

"Ate Clairy, pwedeng mamaya na lang yung math? Ang hirap ehh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paano naging mahirap ang math? Ang dali kaya.

"Sige, physics muna ta---"

"Wahh! Ayaw ko! Mapeh na lang tayo! Ohh kaya, break muna." Sinamaan ko siya ng tingin, kahit kailan talaga to ang kulit.

"Mag- english na lang tayo, last two subjects na lang yung physics at math." Ani ko, kinuha ko na yung english book niya saka nagbuklat.

Napansin ko namang walang nagsasalita kaya napatingin ako kay Maine.

Takte itong batang to, natutulog siya, kaya pala. Mapalo nga.

Tumayo ako saka pinalo ang ulo niya gamit ang librong hawak ko.

"Aray ko ate!" Napabangon siya saka hinihimas yung ulo niya.

"Kaya pala nagre-resign yung mga nagtuturo sayo dahil sa kalokohan mo, subukan mo lang bumagsak sa exam next month, hindi ka makakabakasyon." Sermon ko, nakita ko namang napasimangot siya saka umupo ulit.

Maglelesson na sana ako ng biglang may nangistorbo, fudge naman ehh.

Tiningnan ko si Maine, "Magself study ka muna, tatanungin kita mamaya, may gagawin lang ako." Sabi ko, tumayo na ko saka lumabas ng kwarto.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

["Ate, nakita ni Karl si Shenne, anong gagawin ko?"] Napahilamos ako sa mukha, what the hell?

"The hell Cloe, kagabi ko pa kayo binilinan na huwag niyo siyang hahayaang makita si Shenne." Pumasok ako sa kwarto ko ng nakaramdam ako ng presensya, shit!

["Pero ate anong gagawin ko? Baka---"] I cut her off.

"I need to hung this up, may nakapasok sa bahay. And huwag kayong pumunta dito, ako nang bahala dito." Hindi ko na siya pinasalita dahil pinutol ko na yung tawag.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon