Chapter 24 - Asar Talo! ✔

3.8K 92 2
                                    

Enjoy Reading~~~

-------------

Alex's POV

Nandito ako sa classroom dahil Monday ngayon.

Hmm it's been two weeks since nakaconfine (again) sa hospital si Ate Kim.

Ewan ko ba, feeling ko malapit lang siya sa disgrasya kaya lagi siyang bugbog sarado o di kaya naman ehh nabaril ng kung sino-sino.

Hayy nakakainis naman kasi ehh. Kagabi kasi, inannounce ni Ate Andrea na magsasara na daw ang bar ni ate Kim dahil wala na raw siyang time para sa negosyong yun.

Hayy so maghahanap na ko ng trabaho ngayon?

Kasi naman parehas kami ni Xandra na walang trabaho.

Sana naman may mahanap na kong trabaho.

"Balita ko wala ka ng trabaho?"

Tiningnan ko naman kung sino yung nagsalita. Pshh bwiset! Nang-aasar ba to?

Well si Nathan naman kasi ang nagsalita ehh.

"Ehh ano kung wala akong trabaho?" pagsusungit ko sa kanya sabay irap.

"Kadiri to! Nagtanong lang ehh, masama?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Paano kung sasabihin kong masama?" sarkastik kong tanong sa kanya.

"Edi sabihin mo, pipigilan ba kita?"

Naiinis naman ako lalo nung sinabi niya yung at lalong kong kinainisan ay kalmado pa din ang boses niya.

"Pshh bahala ka sa buhay mo!" Inis kong sabi.

Tinakpan ko yung mukha ko gamit ng libro dahil sa hiya.

Oo napahiya ako dahil sa sinabi niya. Feeling ko pulang-pula na yung mukha ko.

"Asar talo, tsk! tsk! tsk!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Pake mo ba." Sabi ko.

"Pshh tama na nga yan."

Napangisi naman ako sa sinabi niya, siya pala ang asar talo ehh.

"Ehh ikaw naman ang nag-umpisa ehh." Kasabay nun ang paglabas ko ng dila.

"Tss naghahanap ka ng trabaho diba?"

Ahaha! Iniba ang topic, talo na talaga siya.

"Paano kung sinabi kong oo?"

"Edi bibigyan kita ng trabaho." napatingin naman ako sa kanya. Shemay! Anong klaseng trabaho naman ang ibibigay niya.

"Anong klaseng trabaho?"

Napatigil ako ng ilang segundo dahil sa ginawa niya, nilapit niya yung mukha niya sa may tenga ko atsaka bumulong.

"Trabaho? Edi personal assistant ko."

Kinilabutan ako sa sinabi niya, langya gagawin niya kong katulong niya?

"Pshh maghanap na lang ako ng ibang trabaho."

Tinulak ko siya ng konti para naman makalayo siya sa harapan ko. Ang awkward kasi ehh.

"Sige bahala ka."

Bumalik na siya sa upuan na may kasamang ngisi sa mukha niya. Aishh tama bang tumanggi ako?

Nathan's POV

Hmm tingnan natin baka mamaya lalapit na yan sa akin at tatanggapin ang trabahong ibibigay ko sa kanya.

Itong babae na to naman kasi masyadong mataas ang pride.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon