Sa mga malilito, sorry po talaga!
Enjoy Reading~~~
~~~~~~~~~~~~~~
Claire's POV
Naramdaman ko na lang na sinuntok niya ko pagkalapit niya sa akin.
Natumba ako kaya dumagan siya at pinagsusuntok niya ko sa mukha.
Hindi ako lumaban, kailangan kong hindi lumaban, pinabayaan ko lang siya hanggang sa magsawa siya kakasuntok sa akin.
Tumayo siya at lumayo sa akin, "Ano?! Hindi ka lalaban?! Gago ka! Duwag! Tumayo ka at lumaban!" narinig ko yung mga hiyaw ng mga tao sa paligid namin, puro "Boo!" "Duwag!" napangiti na lang ako saka dahan-dahang tumayo.
Dinura ko yung laway ko na may dugo at nginisihan siya, "Yun lang ba ang kaya mo? Sino sa atin ngayon ang duwag?" kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
"Ano? Hindi ka makasagot?" tumawa ako ng peke, "Hindi mo ba kayang gawin sa akin ang ginawa ko sa kapatid mo?" nginisihan ko siya, galit siyang lumapit sa akin at kwinelyuhan.
"Dapat lang talaga na hindi ka nirerespeto bilang babae, dapat kang binubugbong ng pinu-pino hanggang sa hindi ka na nila makilala." Nginisihan ko lang siya, "Go on! Kung kaya mo?" pang-aasar ko sa kanya, at dahil doon, nakatikim na naman ako ng suntok at sinipa niya ko sa tiyan kaya napahiga na naman ako.
Nakita ko na lang na may nagbabato ng mga kahoy at kung ano-ano pang pamalo sa gilid ng arena. Nginisihan niya ko saka siya lumapit sa isang pamalo, baseball bat.
Napatingin na lang ako sa mga tao habang nananatiling nakahiga, nakakainip, hanggang kailan niya ba ko bubugbugin? Ayy oo nga pala hanggang sa hindi na pala nila ako makilala, napangiti na lang ako.
Habang tinitingnan ang mga nanonood, nakita ko ang taong kanina ko pa hinihintay.
Ito naman ang gusto mo Dos diba? Ang mapatay ako sa kamay ng Dela Fuente, para tuluyan ng maging malaya si Shea..
Congrats sayo Dos, umaayon na lahat sa plano mo, makukuha mo na din ang mga gusto mo.
"Ano! Matutulog ka na lang ba dyan?! Bangon!" tiningnan ko si Niel na may hawak na bat. Tiningnan ko siya at tumayo muli.
Pero bago pa ko tumayo, pinalo na niya yung kaliwang paa ko, shit! Ang sakit ahh!
Napaupo ako yung isa kong paa nakadapa yung isa yung handa ng tumayo, shit! Ang sakit talaga!
"Ano?! Masakit?! Kulang pa yan! Kulang pa yan sa ginawa mo sa kapatid ko!" pinalo niya pa yung kabila kong paa kaya napaluhod na lang ako. Binato niya yung bat at may kinuha ulit. Mahabang stick.
Lumapit siya sa akin saka pinalo ang likod ko kaya napadapa ako, tangna! Ang sakit! Konting hintay na lang Claire, hindi mo na mararamdaman ang sakit.
James's POV
"James, akala ko ba nakausap mo na si Nathan?! Bakit wala pa din siya dito?! Si ate! Mamamatay na si at---"
"Shhh, huwag kang magsalita ng ganyan, tiwala lang." tiningnan ko yung arena na ngayon ay may mga bahid na ng dugo, dugo ni Claire.
Ilang ulit din pinagpapalo si Claire sa likod habang nakadapa siya at nung nagsawa na si Niel sinisipa naman niya ang gilid nito.
"Paano tayo makakasiguro?! Sa tingin mo ba makakatakas siya doo---"
"Kaya nga pinasundo ko kay Karl diba? Kalma lang Babe, I know nasa masamang kalagayan na ang ate mo pero tiwala lang." napabuntong hininga siya saka lumapit sa pinto.
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise