Kung gusto niyo ho makausap ang mga characters search niyo sa FB WeirdInDisguise Stories po.
Enjoy Reading~~~~
~~~~~~~~
3rd Person's POV
"Clear?"
"Clear!" pinaandar ng doktor ang lifepak defibrillator.
"Clear?" tanong ng doktor.
"Clear!" pinaandar niya ulit.
Ilang ulit na pinaandar ng doktor ang lifepak defibrillator, hanggang sa naging isang linya na lamang ang machine na nagpapakita kung buhay pa ba ito o patay.
"Time of death..." tiningnan ng doktor ang relo niya, "11:40 pm." tumango ang mga nurse saka isa isa na sila nagsisilabasan.
"Miss! Kamusta na siya?" pasigaw na tanong ni Andy ng makita niyang lumalabas na yung mga nurse.
Tiningnan lang siya atsaka nilampasan siya ng mga ito.
"Anong nangyayare?!" nilapitan naman siya ni Cloe at pinipilit na pakalmahin.
Nang lumabas na ang doktor galing sa Operating Room agad na nilapitan ito ni Andy.
"Doc! How is she?! Successful ba ang operation?!" tiningnan siya ng ilang sandali saka nagsimulang umiling.
"I'm sorry miss Andy, ginawa na po namin ang lahat." nagsimula nang humagulgol si Andy, hindi niya ineexpect na aabot ito sa ganito.
Niyakap naman siya ni Cloe na umiiyak na din ngayon.
"Andy?" kumalas sa yakap si Andy saka tiningnan ang pinagmulan ng boses.
"Lance..." agad na tumakbo si Lance saka niyakap ng mahigpit si Andy. At dahil doon, nagsimula na namang umiyak si Andy.
"Wala na siya Lance! Wala na siya!" hinaplos ni Lance ang buhok nito saka tingnan si Cloe.
"Cloe?" tanong ni Lance, tumango naman si Cloe saka niyakap ito.
"Magpahinga muna kayo, ako na ang bahala sa funeral."
Cloe's POV
"Salamat po sa pakikiramay." tumango naman sila sa sinabi ko saka nagsisimula na silang mag-alisan.
It's been 1 week since nangyare ang gulong yun, at ngayon nakalibing na ngayon ang namatay nung araw na yun.
Bakit nga ba nangyare ang lahat ng to? Dahil sa inggit, sa pag-ibig, at away magkapatid.
Sana nang dahil sa gulong nangyare noong isang linggo, tapos na ang gulo at wala ng manggugulo.
Nakakapagod na din magtago, masaktan, umiyak, at magsakripisyo.
"Cloe!" napalingon ako, tinatawag na ko nila James na nasa harapan ng puntod niya.
Nginitian ko siya saka lumapit sa puntod.
Andrea S. Kim
Dos, kung saan ka man ngayon, sana nasa mabuting kalagayan ka na. Alam kong napakalaking kasalanan na yung ginawa mo sa amin perp napatawad na kita.
"Ma, Cloe...." napalingon kami and there's Ate Claire kasama si Nathan, nakaupo siya sa wheelchair, hindi pa kasi siya pwedeng maglakad at kailangan pa niya magpa-therapy. "We need to go po, ihahatid ko pa po si Nathan sa hospital." tumango kaming dalawa ni mama saka sila tuluyang umalis. Ngayon na kasi babalik si Nathan sa hospital para magpagaling.
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Aksiyon[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise