Chapter 46 - No Choice ✔

2.9K 79 3
                                    

Enjoy reading~~

-----

Nathan's POV

"Arghh! Bakit hindi niya sinasagot?!" Sigaw ko, simula first subject hanggang lunch ko na sinusubukang i-contact si Biik pero ni isang beses, hindi niya sinasagot.

"Baka natutulog?" Sinamaan ko ng tingin si Vince, gago to, hindi naman ganun si Biik, magagalit pa nga yun pag may nangingistorbo sa tulog niya.

"Tanga ka ba Vince? Sa tingin mo ba makakatulog ka ng mahimbing kung sa simulang umaga hanggang ngayon ehh puro ring ng cellphone ang maririnig mo? Sino hindi gigising nun?" Sermon ni Miguel, napakamot na lang ng ulo si Vince, tanga kasi ehh

"Aba! Malay mo, naka-silent, hindi niya marinig." Pagtatanggol ni Vince sa sarili, tsk! Matawagan nga uli.

Ilang ring na ang nakalipas ng sumagot ang tawag, thank God!

"Hello Biik? Nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nakakatampo ka alam mo yun?" Palambing kong sabi sa kanya, the hell, ilang oras pa lang ang nakalipas miss na miss ko na siya.

["Wow bro! Hindi ko akalaing nagiging pabebe ka na."] Napakunot ang noo ko sa narinig ko, paano na sa kanya ang cellphone ni biik?

"Where is she you fvcking bastard?!"

["Woah bro, easy! Pumunta ka na lang dito sa hospital na pinagmamay-ari ni Migs."] Nanlaki ang mata ko at bigla na lang ako kinabahan. No! A-anong nangyare sa kanya?

"You're fvcking joking James, right?" Tanong ko, napansin kong lumapit si Niel sa akin.

["Pumunta ka na lang dito, and don't worry bro, hindi pa naman siya patay."] Hindi na ko makapagsalita ng pinutol niya ang tawag kaya binato ko yung phone ko saka tumakbo papunta sa parking lot.

Niel's POV

"Bro! Bilis!" Sabi ko saka sinundan si Nathan, tangnang James na yan! Ano bang sinabi niya kay Bro at nagkakaganito na naman siya?!

Habang sinusundan ko si Nathan, binabangga niya lang yung mga nakaharang na studyante sa dinadaanan niya.

"Nathan! Bro!" Sigaw ko, Nakarating na kami sa parking lot kaya mas binilisan ko pa yung takbo at naabutan ko na siya.

Pinipilit niya kong tulakin palayo kaya hinawakan yung balikat niya saka hinarap sa akin.

"Bro, anong nangyare?" Tanong ko, napansin ko yung mata niya na paiyak na, fvck!

"Si Claire bro! Na-nasa hospital! Na-nasa panganib siya, pa-paano kung nangyare sa kanya yung kagaya kay---" I cut him off.

"Hindi bro, magtiwala ka lang, walang mangyayareng masama sa kanya, tiwala lang." Dahil may dugong mafia si Claire, kaya hindi na ko magugulat kung buhay pa siya.

"Ako na lang magdrive." Tumango siya kaya pumunta na kaming dalawa sa kotse, yung tatlo naman pumunta na sila sa sasakyan nila para sundan kami.

Tiningnan ko si Bro at yung kamay niya ang nanginginig kaya ginulo ko yung buhok niya, "Huwag kang mag-alala bro, okay lang siya." Pinapagaan ko yung loob niya dahil baka atakihin na naman siya ng sakit pag marami siyang iniisip.

Hindi nagtagal, nakarating na kami sa hospital, alam ko namang dito lagi dinadala ni James si Claire dahil nga kilala niya si Migs.

Pagkaparking ko, nagmadaling lumabas si Nathan kaya napamadali na din ako, hindi ko kasi pwedeng hayaan.

Napatakbo na lang ako papasok ng kotse pagkalock ko ng sasakyan at nakita ko na lang si Nathan na kausap yung nurse sa information desk.

"Room 489, 5th floor sir." Yun yung narinig ko paglapit sa kanila.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon