Chapter 38 - Reunion? ✔

3.7K 92 1
                                    

Enjoy reading~~~

---

Shenne's POV

"A-ano?" Tanong ko.

"I love you Shenne." Pinunasan ko yung mukha ko atsaka siya tiningnan.

"Pa-paano si Kath? Diba girlfriend mo si--"

"She's my sister not my girlfriend."  Kasabay nun ang paglaki ng mata ko, pa-paano? How? Matagal ko nang kilala si Kath.

"Simula nang makilala mo si Kath, doon na nagsimula ang lahat Shenne. I was watching you all the time and lumakas lang ang loob kong makipagkilala sayo noong naging kaklase na kita." Paliwanag niya. Nananatili lang akong tahimik habang tinitingnan siya.

Si Kath, niloko niya ko. Kung kapatid siya ni Daniel ibig sabihin....isa din siya sa tauhan ni Dos.

"Now if you hate me right now, okay lang sa akin it's my fault, sinaktan ko kayo lalong lalo ka na." Nagsimula na naman tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako, ang sakit isipin na pati si Kath, isa sa mga pinagkakatiwalahan ko isa siyang traydor.

Lumabas ako ng kwarto atsaka sumandal sa pinto.

Una si Miley, tapos si Daniel at si Kath. Ayoko na ang hirap na magtiwala. Ang sakit na ng puso ko.

Vince's POV

"Teka Niel nasaan tayo?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa isang bahay. Grabe naman kasi ito. Basta basta na lang pumapasok, baka pagkamalan pa kaming akyat-bahay gang.

"Anong ginagawa niyo dito?" napatingin ako sa bandang may nagsalita, pusa sa kalye! Anong ginagawa nito dito?!

"Ikaw anong ginagawa mo dito sa Pinas aber?!" sigaw ko, langya naman ehh. Subukan lang niya kuhanin si Honeybunch puputulin ko yang ngalangala niya.

"Makasalita parang ikaw ang may-ari ng Pinas." sabi ni Bakulaw. Sinamaan ko siya ng tingin. Buset to!

"Hoy Bryan, Vince tigilan niyo nga yan, parang mga bata." awat sa amin ni Lawrence.

"Hmmp! Tigilan niyo nga yan, parang mga bata, pshh." napatawa na lang ako sa bulong ni Migs, ahaha bakla ampu!

"Tinatawanan mo diyan, unggoy?" akmang susugod sana ako sa bakulaw ng biglang may sumisigaw sa isang kwarto.

"MARK! OPEN THIS FUCKING DOOR!"

"PAG MAY NANGYARENG MASAMA KAY KUNEHO MAWAWALAN KA NA NG ULO!"

"ISA! SISIRAIN KO TO!"

Nanlaki ang mata ko sa sumisigaw, si-si Claire yun ahh.

"Tsk! Hindi masabihan." nilingunan ko yung nagsalita, si Mark.

"Anong hindi masabihan ang pinagsasabi mo?! Bakit nandito si Claire?! Ang alam ko----"

"Will you please shut up?! Yang kaibigan niyo ang magpaliwanag sa inyo hindi ako." pagputol niya sa akin, langya tong kumag na to. Kung wala lang ako sa teritoryo niya uupakan ko to. Makarma ka sana!

Nasa may pintuan na si Mark kung saan nagmumula ang ingay at napabuntong hininga. Kinakabahan ang gago. Pfft! Mukha siyang natatae ahahaha.

Hahawakan na niya sana ang door knob ng bigla itong natalsik. Holy shit! Napaiwas kaming lahat sa tumalsik na pinto. Si Claire ba talaga yun? Ang lakas niya!

Nawala na yung usok at tumambad sa amin si Claire na may ngisi sa labi. Takteng gwapo ohh! Hindi ko kayang gawin yun. Nasisira ko naman yung pinto pero hindi gaano kalakas na kagaya sa ginawa ni Claire.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon