Chapter 32.1 - Sorry ✔

3.3K 88 4
                                    

Enjoy Reading~~~

Miguel's POV

Kitang-kita sa mukha ni Jagi ang gulat nang makita niya kong papasok ng bahay nila kasama papa niya. Yung mama naman niya na katabi niya at mukhang nagkekwentuhan sila ay napakunot ang noo.

"Kate, bakit hindi mo sinabi sa akin na may manliligaw ka na pala?" Tanong ng Papa niya.

"A-ano kasi pa--"

"Well buti naman at nagpakilala siya sa akin na manliligaw mo pala siya kundi hindi ko siya tatanggapin para sayo." Napabuntong hininga ako sa sinabi ng papa niya, wooh! Muntik ko na din kasi sabihin na kaibigan niya ko.

"Sorry Daddy, pero can I talk to him in a minute?" Tanong ni Kate na ikinakaba ko. Pansin ko din ang pagsama niya ng tingin sa akin. Patay!

"Sorry Kate but I want to talk to him first you know, usapang lalaki." Napalunok ako sa sinabi niya. Wooh! Niligtas ako ng tatay niya.

Ito na ba ang huli kong araw? Hala! Kailangan ko muna magpaalam sa mga pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga--

"Hey kid, are you listening?" Natauhan ako sa tanong nung tatay niya habang yung nanay niya ay parang natatawa na.

"Ahh, ano po ulit yun sir?" Tanong ko.

"I said come with me, and please cut that sir just call me tito Edward."

"Sige po tito Edward." Tiningnan ko si Kate at mas lalo naman kumunot ang noo niya. Yes naman! Malapit na!

Sinundan ko lang si tito Edward hanggang sa pumasok kami sa isang room.

Office room ang pinasok namin, at may nakita akong alak sa table.

Mapapalaban ako dito ahh.

Niel's POV

"Ohh? Nangyare sa mukha mo?" Muntik na kong nabilaukan ng bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.

"Kuya Nathan? Wahh! Namiss kita!" Sigaw ni Shenne habang ako ay ubo ng ubo at naghahanap ng tubig.

"Kalma lang, tubig ohh." bigay niya sa akin kaya nilagok ko kaagad yun. "Gago ka bro, kita mong kumakain ako nanggugulat ka." Sabi ko sa kanya.

Napalaki naman yung mata ko ng bigla siyang tumawa. Putik na! Nawala lang ng dalawang araw.

"Naka-score ka ba kay Claire kaya ka ganyan?" Singit ko sa pagtawa niya pero bigla na lang niya kong sinamaan ng tingin.

"Gago, hindi noh. Ehh ikaw? Bakit naman ganyang yang mukha mo? Namamaga mukha nang bola ahaha." Asar niya sa akin. Loko to! May saltik na nga sa utak, nak ng puta!

"Tsk! Yung traydor mong kaibigan bumalik na." Nang sinabi ko yun, nabalot ng katahimikan ang bahay, kaya kumain na lang ako.

---

Nandito na ko sa school pero pucha! Pinagtitingnan nila yung mukha ko. Gago talaga yung James na yun.

Dapat na lang, hindi na ko pumasok.

"Paano na yan pare? Mas gwapo na ko? Ahaha!" Tawa ni Miguel kaya hindi ako nagdadalawang isip na batukan ang gago.

"Gago! Mas gwapo pa din ako kaysa sayo." Sabi ko, yung mga may syota kasi dito nasa may gate, hinihintay ang mga gilfriend nila.

"Ohh Jagi! Namiss mo ba ko?" Sigaw ni Miguel nung pumasok sa classroom si Kate, kaya nagkantyawan yung mga tao dito habang sinamaan naman ni Kate ng tingin si Miguel.

Hindi naman siya sinagot si Miguel saka umupo sa upuan niya.

May kinuha siya sa kanyang bag saka lumapit sa amin.

The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon