Flashback po to and walang POV dito Narrator lang xD
Enjoy reading~~~~
-------
FLASHBACK 3 YEARS AGO...
Third Person's POV
"Shie, anong gagawin natin?"
"Talunan natin sila? Hihihi."
"Hindi Shie, ano nalang sigawan natin sila sa tenga?"
"Ang pangit Shie luma na yun, buhusan kaya natin ng tubig?"
"Sige, hihi---"
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Nanlaki ang mata ng kambal ng biglang may nagsalita sa likod nila, nasa sala kasi sila ngayon, nakaupo sa kanilang sofa habang pinag-uusapan ang gagawin nila ngayon.
Sila nga pala si Shenne at Shea Dela Fuente ang bunsong kapatid nila Nathan at Niel, 3rd year highschool na sila pero ang utak pang grade 3 lang.
Shie ang tawagan ng kambal, ayaw kasi nila ng ate or etcheburetche.
"Uhh...ehh...yung ano.." tiningnan ni Shea si Shenne na ang tingin na kailangan niya ng tulong.
Napakamot sa ulo si Shenne, "Pinag-uusapan namin kung paano namin kayo gising---"
"Shie! Bakit mo sinabi?!" bakas sa mukha ni Shea ang gulat dahil sa pag-aamin ng kambal.
"Tong kambal na to ohh, kung ano-anong kalokohan ang iniisip." napailing nalang si Nathan dahil sa mga bunso. Napangewang naman si Shea.
"Kayo kasi kuya ehh! Lagi na lang kasi kayong late nagigising, kita mo si kuya Niel hindi pa nagigi..." nagkatitigan ang kambal dahil sa sinabi ni Shea at saka sila ngumisi.
Ngising may kasamang ngiti ng gagawa ng kalokohan.Napailing na naman ang kuya nila, "Kayo talaga, gawin niyo na ng magising na ang kuya niyong tulog mantika." Napasuntok sa hangin ang dalawang babae na may kasamang "Yes!" at nagmamadaling umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ng kuya nilang mahimbing na natutulog.
Si Niel naman na natutulog nang mahimbing, halos wala kasi siyang tulog dahil galing siya sa UG at sa bar para makasama ang mga babae.
Dahan-dahan binuksang ng kambal ang pinto, at dahan-dahan din sila naglalakad papunta sa may kama ng kuya nila.
May bitbit silang cellphone at baso na puno ng tubig.
Hindi maiwasan ni Shenne mapahagikgik dahil sa gagawin nila. Pinigilan naman ito ni Shea, "Shh." tumango si Shenne saka nagpatuloy maglakad ng dahan-dahan.
Nung nasa harap na sila ng kama, "Magbibilang ako ng tatlo, okay?" bulong ni Shea, nag okay sign naman si Shenne.
"One.."
"Two.."
"Three!"
"KUYA! GOOD AFTERNOON!" binuhusan muna nila yung tubig at pl-in-ay ang malakas na music sa cellphone na naka-connect sa speaker at tumalon sa kama.
"Kuya gising na! Ahahaha!"
"Yihee kuya! Gigising na yan!"
Sinabayan ng kanta ng kambal ang kanta sa Little Einstein.
"Were going on the trip, with our favorite rocket ship!"
"Ughh! Mga bunso tama na!" Nagkatinginan ang kambal atsaka tumawa ng napakalakas.
"BUNSO!"
Nagmadaling umalis ang kambal sa kwarto nang bumangon na si Niel.
"LAGOT KAYO SA AKIN!"
BINABASA MO ANG
The Twin Nerd And The Twin Gangster ✔
Action[TNATG Book 1] Behind those masks; behind those smiles; behind those innocent faces; there's a devil hiding. You better be careful. • Highest Rating #29 (March 14) • Highest Rating #28 (March 15) NO SOFTCOPIES Copyright 2014 by WeirdInDisguise