NOTE:
Hi, my characters are flawed. Please don't judge the book based on the title. If nabasa niyo po Series 1, may ideya na kayo tungkol saan umiikot ang Conrad Series. I will try na super light lang nito, sino bang gusto ma-stress? Char. Enjoy & good luck!SIMULA:
I am my parents' retirement plan. The older of the five children. The Ate of the family.
Hindi ako pinilit. Pinili ko ito, ngunit hindi ko rin naman ginusto.
Kumbaga ay tinanggap ko na lang na ito ang tadhana ko, ang akuin ang responsilidad na iniwan ng ina kong sumakabilang bahay. Ang punan ang pangangailangan ng mga nakababata kong kapatid kahit maski ako ay nangangailangan din.
Gano'n ata talaga ang buhay, unfair.
Hindi ko tuloy maiwasan mapangisi sa aking sarili habang natatanaw ang mga ka-batch kong pumapasok sa opisina, malayang ginagawa ang bagay na hilig at gusto nila. Nasa parte ako ng lipunan kung saan mas uunahin mo na lang talaga na mapunan ang kumakalam mong tiyan, kaysa sa bagay na magpapasaya sa'yo.
"Huy, Mavis! Tulala ka, mukha kang tanga riyan." Napalingon ako sa aking kaibigan nang kalabitin niya ako, ngiting-ngiti pa ang gaga.
Malas na nga sa buhay, panget pa kaibigan.
Iwinaksi ko kaagad ang naisip ko kanina. Humalukipkip ako't pinasadahan siya ng tingin.
"Ikaw nga kahit hindi nakatulala muntanga e. Bilisan mo na nga, nagugutom na ako, bwakanangshet ka kasi sabi mo kabilang baryo lang tayo bibili, nakarating tayo sa kabilang lungsod kakahanap diyan sa . . . ewan. Ano ba 'yan, Adilyn?" inis na sabi ko habang sinisipat ang mga pinamili niya.
Kanina pa kami palakad-lakad, nakarating pa kami sa kung saan-saan. Sa susunod talaga ay hindi na ako maniniwala sa babaitang 'to.
"Gamot 'to, wala kasi roon sa atin. Sorry naman no."
Napailing ako sa sinabi niya. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Tara na nga, may trabaho pa ako sa punerarya mamaya. Baka ma-boring doon mga kustomer ko, biglang bumangon."
Napangiwi siya sa tinuran ko bago sumunod sa akin papunta sa pinaradahan namin ng single na motor na aming sinakyan. Kaya lang naman talaga ako sinama ng babaeng 'to para may service siya e, pasalamat siya't hindi 'yong service sa patay ang ginamit ko.
Habang naglalakad kami ay nadaan kami sa mga pulubi na talagang nanghaharang. Sanay na ako sa mga ito, tropa ko kasi 'yong isa riyan noong nag-aaral pa ako. Mababait naman sila, may iba lang talagang kahit nasa kamay mo pa ang buko juice ay inaagaw na nila, siyempre wala ka ng magagawa kung hindi ibigay ang dala mo.
Semi-holdap, ang pinagkaiba lang ay palimos po ang ibubulong sa'yo.
"Palimos po, bente," sabi ng isang lalaki na mas malaki pa ang katawan sa amin.
May relos pa.
"Ay, taray kuya. May minimum price ka pa ha," komento ko na natatawa, hinihila na ako ni Adilyn sa aking braso dahil na tatakot ata siya.
Nang tuluyan kaming nakarating sa parking lot ay natanaw ko ang isang matanda na nakaupo sa gilid, sa ilalim ng puno.
Parang ngayon ko lang nakita ang isang 'to ah.
"Makinig ka sa akin mabuti. Gusto mong dumoble 'yang pera mo, hindi ba? Maniwala ka, napanuod ko 'to, ganyan ang modus ng mga 'yan, kunwari pulubi tapos vlogger pala," pag-uudyok ko sa kaniya.
Marahas na umiling si Adilyn.
"Ayoko nga, Mavis! Limang-daan na lang ang pera ko rito, budget ko ngayon linggo!"
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...