Kabanata 3:
Dumating si Bert dala ang tricycle para sasakyan nila pabalik sa punerarya habang si Ben naman ang may dala ng single na motor ko. Inihagis ni Ben ang susi sa akin pagkababa niya na kaagad ko naman na nasalo.
Aakbayan niya sana ako katulad ng nakagawian niya dahil nga tropa-tropa kami pero naiwan sa ere ang kaniyang kamay nang tumama ang tingin sa likuran ko, kaagad siyang lumayo sa akin na siyang kinakunot ng noo ko't nilingon ang tinitingnan niya.
"Ma... M-Magandang umaga po, Father," nag-aalangan bati ni Ben saka ibinaba ang kamay at pumalakpak na lang.
Parang bumait ang gago, mukhang may trauma pa sa huli nilang pagkikita.
"Morning," seryosong bati naman ni Father Draco. Nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang dalawa.
Bumati rin pabalik si Bert bago tumingin sa akin na nag-aalangan pa, parang nahihiya pa dahil kasama ko ang pari ng aming parokya. Mga plastik nga naman, may hiya pa pala ’tong dalawang ’to? Tapos sa akin na boss nila, walang hiya-hiya.
Bahagya siyang dumukwang animong bubulong upang hindi marinig ni Father Draco kaya inilapit ko ang aking tainga sa kaniya.
"Saan ka magtatanghalian? Kukuha kami sa karinderya ng lunch ah? Saka may delivery ata ng mga york mamaya, receive ko na ha?" tanong ni Bert nang makalapit ako.
Mabilis naman lumipat si Ben sa loob ng tricycle niya, animong handa ng umalis. Takot mautusan ulit, ampota.
Mas maalam talaga si Bert sa punerarya kumpara kay Ben kaya naman kampante rin akong iwan sa kaniya at isa pa, mga barkada ko na simula high school kami kaya alam ko na ikot ng bituka ng dalawa. Halos parang nakakatandang kapatid ko na rin talaga sila.
Mukha lang talaga silang hindi mapagkakatiwalaan pero maayos naman sila magtrabaho. Minsan din talaga kung sino pa ang mukhang hindi mapagkakatiwalaan, sila pa ’yong tapat sa’yo. Hays.
Naramdaman ko sa aking likuran si Father Draco na mas lumapit pa sa amin.
"Oo, kuha na lang kayo sa karinderya basta ipalista niyo para alam ko, mauna na kayong kumain mamaya, hindi ko pa alam saan kami mamaya e," bulong ko pabalik.
"Nako, dapat kasi hindi mo na tina—"
"Pasensiya na kung maiistorbo ko ang pagbubulungan niyo pero kailangan na namin umalis, hindi ba Mavis?" tanong ni Father sa akin, istrikto ang boses ngunit may bahid ng ngiti ang labi.
Epal ampota.
"Ah, oho." Palihim kong inikot ang aking mata, hindi ako mahilig mang-irap pero kusa ko iyon nagagawa sa kaniya. Tinapik ko na sa balikat si Bert. "Sige na, kayo na bahala."
Tumango siya, sinenyasan ko sila gamit ang aking mata na umalis na at nakuha naman niya iyon.
Napabuntonghininga na lang ako nang nagpaalam na silang dalawa bago tuluyan bumalik na sa punerarya.
Doon lang ako tuluyan humarap kay Father Draco, naabutan kong sinusundan niya ng tingin ang dalawa, kahit nakaliko na ang mga ito ay nanatili na ang tingin niya sa mga ’yon.
Naningkit ang aking mata dahil doon, hindi naman sa pagiging hipokrito ngunit may naisip akong ideya. Alam ko, masiyado akong judger, o mas magandang tawaging observant.
Hindi kaya may pusong mamon talaga siya?
Natawa ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Ano ba naman 'tong iniisip mo, Mavis?
"What's funny?"
Oh, nandyan pa pala 'tong galamay na 'to.
"Wala naman ho, Father. Hobby ko lang talaga tumawa nang mag-isa," sarkastikong usal ko saka tinuro ang aking motor. "Dito ho tayo sasakay, marunong naman siguro kayo umangkas hindi ba? Nakasakay na kayo?" Taas-kilay na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
Ficción GeneralConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...