KABANATA 25

39K 1.3K 512
                                    



Warning: Matured Content | Read at your own risk.


Kabanata 25:

I told Draco about that call. Alam kong si Mama ang tumawag ngunit kaagad namatay ang tawag bago pa ako makabawi sa gulat, sinubukan kong tawagan pabalik ang numero na iyon ngunit hindi na ma-contact.

Draco and their team tried to track the number's location, but someone was stopping it.

And I'm sure it has something to do with where she is right now. If she isn't the one who did it, someone else must be keeping us from finding her.

Hindi na muling nasundan pa ang tawag na iyon at halos ilang buwan na ang nakakaraan ay hindi ko pa rin nasasabi kay Tito Toti ang tungkol sa tawag na iyon.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila lalo na sa mga bata.

Para saan pa? Para umasa sila sa kaunting impormasyon na iyon, na buhay pa pala si Mama, na alam niya kung paano ako kontakin ngunit hindi niya ginagawa sa tagal na ng panahon.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip nang gumalaw si Draco sa tabi ko, mukhang nagising na siya. Kinagat ko ang aking labi nang makitang pikit pa ang kaniyang mata na kumakapa-kapa sa akin, nang mahanap niya ang kanan dibdib ko ay ipinirmi na niya ang palad niya roon.

Parang bata.

"Draco, eight na," imporma ko sa kaniya.

Pumayag akong tumira rito kasama siya ngunit katulad ng napag-usapan namin ay umuuwi-uwi rin ako sa Pampanga.

Ngayon araw ng linggo ay nakaplano kaming umuwi, birthday rin kasi ni Tito Toti.

He groaned and nuzzled my neck even more; I patted his arm, which was almost firmly wrapped around me.

"Dracky baby," tukso ko.

Naramdaman kong suminghap siya, natawa ako nang mabilis siyang bumangon habang kusot-kusot pa ang mata.

"Good morning, love," he greeted me softly and bent down to kiss my forehead.

Tumunganga ako sa harap niya habang nagbibihis siya, nang matapos ay binihisan niya rin ako.

"Shall we buy a cake?" tanong niya habang nag-aagahan kami.

Kabisado ko na si Draco, kung anong klase ng coffee ang gusto niya, kung anong mga ulam ang mapaparami siya ng kanin, kung ilang baso ng tubig ang iniinom niya araw-araw.

"Doon na lang siguro sa Pampanga, may masarap na cake roon. Baka dumaan din pala ako sa munisipyo, may kukunin akong documents tungkol sa punerarya," imporma ko sa kaniya.

Pinaglalagyan niya ako ng ulam sa pinggan nang makarinig kami ng mga yabag ng mga paa. Hindi ako nagkamali kung sino ang mga iyon nang marinig si Raim at Honeyline na pumapasok sa kusina. Mukhang may pinagtatalunan na naman sila, parang aso't pusa.

"Why don't you just give up, Raim?"

"Mama mo give up," boses ni Raim. Sabay namin silang nilingon ni Draco, bumusangot si Draco nang makita ang dalawa. "Sakto! Gutom na ako."

Namangha pa ako nang makitang kasama nila si Gabrel ngayon na abala sa cellphone.

"Kain," aya ko sa kanila.

Naupo sila sa harapan namin, sa lumipas na buwan dito sa Batangas ay mas madalas kong makita si Raim at Honey.

Si X na kanang-kamay ni Draco ay nasa Pampanga habang si Gabrel naman ay medyo abala ata, nakita ko siya nang isang beses na mag-meeting sila sa rooftop pagkatapos nong intsedente sa bar pero kaagad din siyang umalis noon.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon