KABANATA 12

42.2K 1.6K 583
                                    



Kabanata 12:




“ANAK, ano ’tong narinig ko? Hinalikan mo raw si Father Draco kanina sa misa? Anong nangyari? Lasing ka ba? Babae ka na?” sunod-sunod na tanong ni Tito Toti pagkapasok sa punerarya.

Talagang pumunta pa siya rito para riyan kahit na umuulan?

Napaikot ang aking mata dahil sa sinabi niya, nanatili ang aking titig sa bakanteng lamesa sa aking harapan.

Bigla kong naalala ang nangyari kaninang umaga sa simbahan. Siguro nga, naging pabigla-bigla ako sa naisip kong paraan ngunit wala akong pinagsisisihan.

Tandang-tanda ko pa ang nakakabinging katahimikan nang halikan ko si Father Draco sa harap ng madaming tao. Umaasa akong itutulak niya ako kanina, ngunit natuod siya roon habang nanlalaki ang mata hanggang tuluyan akong makalayo sa kaniya.

Walang lingon-lingon akong umalis sa simbahan kahit pa nga alam kong malaking gulo ang aking ginawa.

“Gusto mo ang paring iyon, Mavis?” gagad na tanong ni Tito, bumalik sa kaniya ang aking atensyon.

Inilapit niya ang kaniyang wheelchair upang mas makapag-usap kami nang maayos.

“Ang panget no’n.” Ismid ko.

“Kung gano’n, ano ’yong ginawa mo? Nakuwento lang sa akin ni kumpare, kaya naman kahit malakas ang ulan ay pumarito ako. May problema ba?”

Umismid akong muli. “Diskarte ko na ’to. Alam ko ho ang ginagawa ko. Labas na ho kayo rito, Tito.”

“Kailan ba ako naging labas basta tungkol sainyo? Anak kita kaya naman—” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita ang matigas kong tingin sa kaniya. Anak niya ako... ayokong marinig iyon sa kaniya dahil hindi naman totoo. “Pasensiya na... nasanay lang ako. Alam ko naman ayaw mong tinatawag kitang gano’n.”

Hindi ako nakapagsalita tungkol doon, imbes na bigyan ng atensyon iyon ay sinagot ko ang kanina niyang tanong.

“Wala akong gusto sa paring iyon, at isa pa ay hindi naman siya pari.”

Nakita ko ang nanunuring titig niya, nag-iwas tingin ako.

“Kaya ba hinalikan mo siya upang mapatunayan ang bagay na bumabagabag sa’yo?”

Nagkibit-balikat ako. “Iyon ang sabi sa internet. Hindi makakatanggi ang lalaki sa isang babae, lalo na sa isang halik,” balewalang sabi ko.

Totoo naman iyon, maski ang sabi nila Ben at Bert ay gano’n hindi ba? Kahinaan nila iyon, at panigurado rin akong gano'n din si Draco.

Babae ang kahinaan nila, at babae naman ako!

Napatampal sa noo si Tito Toti kaya napanguso, sa naging reaksyon niya ay para bang napakatanga ng ideya ko.

“Kaya ba pumasok ka sa trabaho mo sa simbahan dahil diyan, Mavis?” nag-aalalang tanong niya bago unti-unting sumeryoso ang mukha. “At kung mapatunayan mo ngang hindi siya pari? Anong mangyayari, anak? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo ito ginagawa, ipaintindi mo sa akin para maipagtanggol kita sa mga matatabil ang dila na huhusga sa’yo.”

Tipid akong ngumiti dahil sa sinabi.

“Wala naman na ho akong pakielam pa sa sasabihin ng ibang tao, mas mahalaga ho ’tong ginagawa ko kasi hindi lang naman din para sa akin ito.”

“Hindi para sa’yo? Hindi ko maintindihan.”

Bumuga ako ng hangin habang iniisip ang sinasabi niya. Naiintindihan ko.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon