Kabanata 19:
IBANG-Iba na tao ang Draco na nasa harapan ko ngayon, walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit kita ko ang panginginig ng kaniyang kamao habang nakakuyom iyon, animong handa muling lumapat sa mukha ni Gabrel kung sakaling magsalita ito.
Boss?
Hindi ako puwedeng magkamali, iyon ang tinawag ni Gabrel kay Draco. Ibig sabihin ay nasa isa silang trabaho, at mas mataas ang ranggo ni Draco.
Kaagad akong kinabahan dahil baka may nakakita sa kaniya sa pagpunta rito o may nakarinig sa labas.
Hindi pa ako tuluyan nakakabawi ngunit pinilit kong gumalaw, malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanila, hinawakan ko ang kaniyang pulsohan upang umalis na kami roon.
“T-Tara na, Draco...”
Tumama sa akin ang matalim niyang mata, hindi na ako magtataka kung may maisip siyang masama sa akin. Inaasahan kong iyon ang iisipin niya lalo’t naabutan niya ako sa bahay ng ibang lalaki... dating manliligaw ko pa.
“Tara na,” mahinahong ulit ko.
Kung mag-aaway man kami ay ayoko sanang sa harap ng ibang tao, kung magsusumbat man siya ay mabuting sa pagitan na lang namin dalawa.
Naramdam kong bahagyang kumalma ang katawan niya, animong nagpapahila na sa akin ngunit bago ko pa iyon magawa ay nagsalitang muli si Gabrel.
“Mav, what—”
“Don’t call her like that! Just...” Mariin pumikit si Draco, gumalaw ang kaniyang panga. “Don’t fucking call my girlfriend’s name!”
Suminghap ako at pakiramdam ko ay anumang segundo ay manununtok na naman siya.
Medyo nanlalata pa ako dahil sa sakit ng aking ulo kanina, pero naisip kong kung magsuntukan sila rito ngayon ay paniguradong hindi ko naman mapipigilan, kaya dapat habang maaga pa ay matigil na ito.
“Tama na, Gabrel,” banta ko kay Gab bago humarap kay Draco na mas salubong na ang kilay. “Uwi na tayo... mahal.” Kinagat ko ang aking ibabang labi sa huling salitang binitawan ko.
Nakita ko kung paano ang galit sa kaniyang mata ay unti-unting napalitaan ng tuwa, kitang-kita ang pagkinang ng kaniyang mata.
Para siyang tuta na mabilis tumango, siya na mismo ang humila sa akin paalis sa lugar na iyon.
Nakita ko pa siyang umirap kay Gabrel bago kami makalabas ng bahay.
Nakahinga ako nang malalim nang makitang walang tao sa labas. Imbes sa kalsada kami dumaan ay sa likod kami ng bahay nila Gabrel kami dumaan.
Nakita ko ang balon na lagi namin hinuhulugan ng barya noon ni Gabrel pero wala na akong maramdaman, hindi tulad noon na sa tuwing maiisip at makikita ko ito ay nalulungkot ako.
Maraming puno roon, ang tagos ay sa likod ng simbahan na malapit sa office niya kaya naging madali.
Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang sabay kaming naglalakad sa matataas na talahiban. Hinahawi muna niya iyon bago ako papadaanin. Imbes dumiretsyo sa kaniyang office ay lumagpas kami hanggang makarating sa kabilang gilid ng simbahan kung saan wala na masiyadong nakakapunta. May isang kahoy na pintuan doon, bodega ang tumambad sa amin pagbukas niya, nagtatakang inilibot ko ang aking tingin sa isang malaking lumang aparador sa gilid, mga upuan ng simbahan na magkapatong-patong at kung ano-anong libro.
“Anong...”
Halos mapanganga ako sa pagkamangha nang kunin niya ang isang lumang bibliya na puro alikabok sa estante at buksan iyon.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...