KABANATA 7

40.6K 1.7K 720
                                    

Kabanata 7:

             ISANG LINGGO na simula nang maulanan kami at madiskubre kong siya rin ang pumasok sa punerarya. Simula naman noon ay wala naman kakaibang nangyari ulit.

Tama pa rin ang hinala ko, ngunit naisip kong kailangan ko ng pruweba. Hindi puwedeng salita ko lang, katulad noon.

Kailangan kong malaman ang kaniyang motibo, iyon lang naman ang isa sa dahilan ko kaya ko ginagawa ito.

Kapag nahuli ko na, saka ko sasabihin sa iba na hindi naman talaga siya pari, niloloko niya ang lahat at totoo ang sinasabi ko noon tungkol sa bangkay na nabuhay sa aming punerarya.

Sasabihin ko sa lahat na nagpapanggap siya, na masama siya.

Katulad ng usapan ay naging cook slash assistant niya ako sa simbahan.

Sa una ay naging mahirap ang paghati ko ng oras sa mga trabaho hanggang nasanay na rin ako.

Kapag wala ako sa punerarya ay sinasalo naman nila Bert at Ben. Sa karinderya naman ay sila Tito Toti ang abala, dumadaan na lang ako sa hapon upang kolektahin ang kita.

“Inasal, halika dali!” tawag ko sa sisiw ni Father Draco.

Iyon ang napili niyang pangalan nito, tawang-tawa nga ako nang sabihin niya iyon sa akin. Medyo lumaki na rin si Inasal at nawawala na ang pangkulay sa kaniyang balahibo.

Naalala ko tuloy noon na ipinatawag pa ako ni Father kahit gabi dahil mamamatay na raw si Inasal kasi nawawala na ang kulay.

Kinailangan ko pang ipaliwanag sa kaniya na food color, o kahit anong pangkulay lang iyon na nilagay sa sisiw. Akala niya ata ay tatanda si Inasal na gano’n ang kulay. Medyo na-hurt si Father doon.

“Kumain ka, Inasal. Tulog pa ang daddy mo, baka nag-pray buong gabi.”

Nilagyan ko ng pagkain ang kainan niya, bago magsimulang magluto ng almusal ni Father. Kabisado ko na rin ang panlasa niya, kahit ano naman nga kinakain niya, hindi siya maarte sa luto ko kaya hindi rin naman ako nahihirapan.

Alas-otso pa lang ng umaga at paniguradong tulog pa iyon katulad noong mga nakaraan araw, puna kong tinatanghali na siya ng gising.

Nagpupuyat siguro, ano naman kayang ginagawa niya sa gabi’t puyat siya?

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paghahain ay narinig kong bumukas na ang pintuan ng kusina sa office ni Father Draco. Dito na ulit ako nagluluto dahil mapilit siya, tinatamad daw siyang maglakad pa papunta sa canteen ng church.

Hindi ako lumingon ngunit nalanghap ko ang pamilyar na pabango niya at body wash na panlalaki kaya alam kong siya ang pumasok.

“Tapos na ho ako, nakaluto na rin ako ng ulam para sa tanghali hanggang gabi, aalis na ho ako,” kalmadong sabi ko habang naghuhugas ng kamay.

Ganito naman palagi, karaniwan ay kapag dumating na siya ay aalis na ako. May araw pa na umaalis na ako kahit tulog pa siya.

“Umupo ka.”

Napaangat ako ng tingin, doon ko nakitang naka-shirt siya na kulay puti at slacks na itim.

Naupo siya sa dulo ng lamesa na lagi niyang puwesto, tinuro niya ang kabilang dulo no’n gamit ang kaniyang mata.

“Kumain ka na rin, nakakatamad kumain mag-isa,” malumanay na sabi niya, kalmado at mukhang maganda ang gising ni Galamay.

Ngumisi ako. “Father ha, baka next time niyan lagyan mo na rin ako ng sarili kong kuwarto sa office mo.”

Sumandal siya sa kaniyang upuan animong nag-iisip, pinagkrus pa niya ang mga braso sa harap ng dibdib. “I’ll think about that, Ma’am.”

Hindi ko sigurado kung nagbibiro ba siya roon o ano.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon