KABANATA 17

42.7K 1.5K 597
                                    


Kabanata 17:


"SUGAT?" blankong tanong ko kaagad kay Gabrel pagkapasok ko sa kanilang bahay, naabutan ko siyang nakaupo sa kanilang sofa habang sapo ang tagiliran.

Hindi ko maiwasan ilibot ang tingin sa kanilang bahay na lagi namin palihim na pinupunatahan. Madalas ako rito noon kapag siya lang ang tao, minsan ay sa likod kami tumatambay, kung nasaan ang ginawa namin duyan.

Isinarado ko ang pintuan saka tuluyan lumapit sa sofa kung nasaan siya. Nakasandal ang kaniyang ulo sa sandalan ng sofa, habang nakapikit ang mga mata, alam kong gising pa siya dahil kunot ang kaniyang mga noo at mukhang kakauwi lang niya dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong ko ulit.

Umiling siya bago pagod na dumilat.

Dumiretsyo ako sa estante kung saan nila tinatago ang medicine kit nila. Wala pa rin pinagbago ang kanilang lumang bahay, 'yon nga lang ay wala ng tumatao rito ngayon.

"Patingin," utos ko nang makabalik sa harapan niya.

Nang hindi siya gumalaw at tinitingnan lang ako ay ako mismo ang nag-angat ng damit niya sa gawing tiyan. Wala naman sugat doon ngunit may pasa, animong tinamaan ng kung anong matigas na bagay.

"Anong nangyari riyan? Kung makikipagsuntukan ka, sana man lang hindi ikaw ang dehado."

Malakas siyang bumuntonghininga. "Si Gavril sumuntok sa akin, alam mong hindi ako gaganti sa kapatid ko."

"At hindi ka rin susuntukin ng kapatid mo kung wala kang katarantaduhan ginawa."

Pagak siyang natawa, walang buhay ang tawa na iyon. "Hindi ako, 'yong asawa ko."

Hindi na ako nakapagsalita nang banggitin niya ang salita na 'yon. Kinuha ko ang ointment para sa pasa niya, umupo sa kaniyang tabi at mabilis nilagyan ang nangingitim na balat niya roon.

Walang nagsalita sa amin, nang matapos ay nag-angat ako ng tingin at naabutan ko siyang nakatingin sa aking mukha.

"Kumain ka na muna bago matulog. Ibibili na lang kita ng pagkain tapos—"

"I miss you so much... miss na miss na kita, beb," mahinang sabi niya.

Umigting ang aking panga dahil sa sinabi niya, ibinagsak niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Napatuwid ako ng upo dahil sa kaniyang ginawa, pakiramdam ko ay nag-init ang sulok ng aking mata nang marinig ang salitang iyon at dating tawagan namin.

"I-I didn't know, beb. I-I'm s-sorry. Sorry. sorry..." Humikbi siya sa aking balikat.

Hindi ako nakagalaw, parang may kung ano na dumadakot sa aking puso at ano man oras ay sasabog na.

"Ayoko na talaga kaso 'yong bata... 'yong anak ko ipapalaglag niya kapag iniwan ko siya, a-ayoko na, napapagod na ako," umiiyak na sabi niya.

Suminghap ako.

Naguluhan ako sa sinabi niya, kaagad nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko alam na ganito.

Akala ko ay mahal na mahal nila ang isa't isa kaya nga kahit malayo ang agwat ng kanilang edad ay nagpakasal sila, hindi ba?

"Ano bang sinasabi mo, Gabrel? Nakainom ka ba?"

Bahagya ko siyang tinulak sa kaniyang balikat upang lumayo sa akin.

Kaagad niyang pinunasan ang luha sa kaniyang mata at nag-iwas tingin sa akin.

"H-Hindi ko alam, Mavis. Hindi ko na alam kung paano ko pa itatama lahat. Shit, sorry! You shouldn't see me like this anymore. I don't know why I called you; I know... I shouldn't have."

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon