KABANATA 30

35.7K 1.6K 1.8K
                                    


Kabanata 30:

MALAKAS akong bumuntonghininga nang ibaba ko ang ballpen sa kama, kakatapos ko lang magsulat sa aking journal. When Draco and I broke up, I had no one to confide in about my feelings. To relieve the weight on my chest, I chose to write out my pain, longing, and regrets.

Nagbabakasakali akong baka dumating ang panahon, na babalikan ko lahat ng sulat ko at mapapangiti na lang ako dahil nalagpasan ko lahat iyon.

Nang makuntento na ay itinago ko ang aking maliit na notebook sa aking bag sa ilalim ng kama, patagong ibinigay lang ito ni Raim sa akin kagabi nang makalipat na ako ng kuwarto.

Inilibot ko ang tingin sa kuwartong pinili ko, malapit lang ng master's bedroom, kung nasaan sila Draco at Megan.

Hindi ito gano'n kalaki ngunit mas kampante ako rito kaysa sa basement.

Hinimas ko ang bedsheets, naalala ko pa noon, kapag iniiwan ako ni Draco rito sa bahay ay inaabala ko ang aking sarili sa paglilinis at pagde-design sa bahay.

There is no trace of me now. In the house that I once considered my home.

Halos hindi ako nakatulog kagabi, at ngayon naman ay maaga akong bumangon.

Mag-alas kuwatro pa lang ata at nagugutom na ako, hindi ako kumain kagabi. Hindi ko alam kung inaya ba nila ako kagabi na kumain dahil nagkulong na ako sa kuwarto.

Mabuti at hindi ako pinuntahan ng guards.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, madilim pa ang paligid, may isang maliit na ilaw lang sa dulo ng hallway kung nasaan ang hagdanan.

I walked carefully; I didn't want them to wake up because of me. I just want to get food, and then I will go back to the room.

Nadaan pa ako sa kuwarto nila na dati namin kuwarto, kaagad may pumasok na ideya sa isip ko at kaagad din akong napailing bago tuluyan bumaba sa kusina.

Naging mahirap sa akin dahil ang dilim, hirap akong makakita sa madilim. Kahit sa kusina ay may maliit na ilaw lang na bukas.

Hinimas ko ang aking tiyan habang namimili ng kakainin. Dapat 'yong madali lang makuha para hindi na ako magtagal, bawal din akong magluto dahil baka magising pa sila. Ayokong maabutan nila akong gano’n, hindi ako guest dito.

Maingat kong binuksan ang ref, bumagsak kaagad ang aking balikat nang makitang puro gulay at mga lulutuin pa ang nandoon, wala ng cake, may icecream pero hindi ata bagay na almusal.

"Tanginang ref 'to, puro damo, wala bang cookies?" mahinang bulong ko sa aking sarili habang sinisipat ang loob ng ref.

Napabuga ako ng hangin nang walang mapala, gutom na ako. Nagagalit na ako.

Bubuksan ko sana ang ilang cabinet sa gilid nang may marinig akong yabag ng tsinelas. Ang bigat ng hakbang kaya rinig na rinig ko.

Natatarantang nagtago ako sa ilalim ng marmol na lamesa, shit! Bakit ako nagtago? Wala naman akong ginagawang masama ha?

Hindi na ako lumabas pa nang mas bumigat ang yabag, papalapit na sa akin.

Nanlaki ang aking mata nang sumilip ako at makita si Draco ang pumasok sa kusina.

He's wearing gray sweater pants and a black sleeveless shirt, his hands are both in his pockets. He has this messy morning hair, and still wearing eyeglasses as if he just finished reading something.

Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay.

Walang kahirap-hirap niyang inabot ang estante sa itaas at may kinuhang box doon, pumunta rin siya sa ref saka may kinuha sa bandang ibaba at binuksan ang kalan.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon