KABANATA 15

46.7K 1.8K 1.1K
                                    

Kabanata 15:


“Mavis?”

“Gabrel!” gulat na wika ko.

Noong unang tingin ay inakala kong si Gavril siya na kaibigan ni Draco, pero nang makita ko nang buo ang kaniyang mukha at wala ’yong peklat ay napagtanto ko kung sino siya.

Si Gabrel, asawa ng dati kong kaibigan na si Adilyn.

Parehong-pareho sila ng itsura ng kaniyang kapatid pero mas maamo lang ang ekspresyon ng kaniyang mata, mas magaan ang awra kaya rin siguro nagkagusto ako sa kaniya noon dahil parang mas madali siyang kaibiganin at kausapin.

Seryoso ang kaniyang mukha bago niya inilahad ang dalawang kamay sa akin, sandali akong napatitig sa kaniyang nakabukas na kamay bago malalaking hakbang na lumapit sa kaniya.

Natatawang sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, ginantihan ko ang yakap na ’yon.

“Namiss kita.” Tinapik-tapik niya ang aking likod.

“Gago ka.”

“Sorry,” mahinang sabi niya, malungkot na napangiti ako.

“Gago ka pa rin.”

Nang maghiwalay kami ay mas lumawak ang ngiti ko. Nakita ko ang kaniyang magandang suot, bigla tuloy akong nahiya dahil sa suot kong malaking tshirt.

Eksaheradong suminghap siya. “Wow, hindi kita kaagad nakilala, mas gumanda ka.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Ang ibig mo bang sabihin ay hindi ako kagandahan noon, Gab.”

Mahina siyang natawa habang umiiling.

“No. No. Of course not. Siyempre maganda, alam mong magaganda lang nililigawan ko noon,” biro niya.

“Ewan ko, hindi ko alam. Sa dami ng fling mo noon, akala ko basta may butas liligawan mo.”

“Ouch, you’re bullying me now. But seriously, you look gorgeous and more matured. When was the last time we saw each other? Two years ago? You’re twenty five now, right?”

Napairap ako dahil paminsan-minsan ay nakikita ko naman siya noon, kasama ang kaniyang asawa lalo’t nasa iisang baryo pa rin naman kami. Hindi na nga lang talaga kami nagkakausap o nagkakaharap pa simula nang magpakasal siya dahil umiwas na rin ako.

Nagulat ako dahil alam pa rin niya ang edad ko, kung sabagay... iyon ang idinahilan ko noon sa kaniya kung bakit hindi ko siya sinagot.

“Ah oo, medyo matagal na nga. Mabuti at nadalaw ka rito sa Pampanga. Ikaw lang ba?”

Nilingon ko ang kaniyang likuran, nagbabakasakaling may kasama siya, pero wala.

Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Adilyn, kung kasama ba niya, pero naisip kong mas maganda siguro kung siya ang magbukas ng topic tungkol doon.

“Yup, may inaayos lang kami dito. Ikaw, saan ka papunta? Nakita kitang pupunta dapat sa simbahan tapos bigla kang umatras kaya nilapitan kita. Akala ko kamuka mo lang.”

Sandali akong nag-isip ng idadahilan.

Ayokong sabihin na nakita ko si galamay na may kasamang ibang tilapia kaya umalis ako.

“May nakalimutan lang ako, babalik na sana ako sa punerarya.”

“Is that so... oh how’s Tito?”

Inilahad niya ang kamay sa isang batong upuan sa ilalim ng puno hindi kalayuan, animong inaaya akong maupo roon. Tumango ako saka sumunod sa kaniya, parehas kaming nakaharap sa simbahan at ilang taong nandoon.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon