KABANATA 34

50.1K 1.9K 1.6K
                                    


Hello, I'm sorry. I've been busy these past few days. Besides the holidays, I accompanied my mother to her checkups. Happy new year, thank you for staying. More years and stories to us. Always be kind, gloom with grace :)




Kabanata 34:

Fear engulfed me as I opened my eyes and saw an unfamiliar room. My gaze is still blurry, but a white ceiling envelopes my vision; the silence in the room was deafening. The only sounds I can hear are the beep of the device next to me and my own slow breaths.

Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa paligid, habang pilit inaalala ang nangyari at kung paano ako napunta sa lugar na ito.

Nasa ospital na ako? Anong nangyari?

Sinubukan kong sapuhin ang aking ulo, ngunit natigil ang pag-angat ng kamay ko nang makitang may nakakabit sa akin pulso.

I was immediately filled with panic, as scenarios flashed through my mind. Tatanggalin ko sana ang nakakabit sa akin nang bumukas ang pintuan.

Kaagad akong napabaling sa pumasok na lalaki, kumunot ang noo ko nang makita si Lordgen.

Sabog ang kaniyang buhok, maitim din ang ilalim ng kaniyang mata habang may hawak na kape.

Nasamid pa siya sa iniinom niya nang makitang dilat na ang mga mata ko.

I tried to sit on my bed, he immediately went to my side. Pinindot niya ang isang button sa gilid ng aking kama at unti-unti iyon umangat upang makaupo ako nang maayos.

"Mabuti naman nagising ka na, Mavis. May masakit ba? Teka, tatawagin ko 'yong nurse," natataranta pang sabi niya.

"Anong nangyari?" pigil ko sa pag-alis niya sa kuwarto. "Nasaan tayo? Nahuli na ba si Alejandro at mga kasamahan nila? Sila Ebony? G-Gumana ba ang plano?" sunod-sunod na aking tanong.

Kaagad kong naisip ang huling tagpo na aking naaalala.

Unti-unti ng bumalik sa akin ang lahat ng nangyari sa loob ng bahay ni Draco sa lumipas na araw hanggang dalhin ako sa headquarters.

Natatandaan ko pang hindi ako mapakali no'n umuwing lasing si Draco kasama si Megan at hindi na sila lumabas sa kuwarto.

Aakyat na sana ako sa aking kuwarto nang makita kong malalaki ang hakbang ni X palabas sa bahay.

Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin.

Hindi kami madalas magkausap ni X noon, lalo na't lagi siyang wala sa bahay dahil sa mga pinapaasikaso ni Draco.

Alam kong mapagkakatiwalaan si X lalo't minsan ko na rin ipinagkatiwala sa kaniya ang buhay ng mga kapatid ko sa Pampanga.

I quickly followed him to talk to him and thank him for everything he helped me. Baka ngayon ko na lang magawa ito at maubusan na ako ng oras.

Madilim na sa garden ngunit nakita ko si X sa malapit sa fountain.

Tatawagin ko sana siya dahil naisip kong nagsisigarilyo lang siya roon, ngunit hindi ko natuloy nang makita kung sino ang kausap niya roon.

Si Honey...

Lumakas ang kabog ng aking dibdib, hindi ko na kasi nakita pa si Honeylin simula ng aksidente sa akin. She didn't come home here for reasons I don't know, and that's why I was shocked to see her again here.

Ayaw ko man makinig sa usapan nila, ngunit huli na para tumalikod pa lalo't narinig ko ang aking pangalan.

"You had something to do with Mavis's accident. Is it? You know Alejandro's right-hand man is in that place," ani X, blanko ang boses.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon