Please, read carefully. Some of the information in this chapter is related to Series 1. If you read The Servant, you'll recognize the characters mentioned here. Silang dalawa lang talaga ang medyo konekted, sa mga susunod na stories sa series ay hindi na. Thank you!
Kabanata 27:
PINAPANUOD ko ang malawak na bukirin habang sakay ng bus pauwi sa Pampanga. Ang bigat ng aking dibdib ngunit wala naman na akong mailuha na. Natuyuan na ako ng damit sa terminal, namanhid na lang din ako sa sakit ng aking ulo at gutom.
Ang huling dalawang-daan na natitira sa aking bulsa ay ginamit ko na para makauwi.
Hindi ko alam kung nasaan ang mga gamit ko, ang cellphone at importanteng papeles. Wala akong nadala kahit ano.
Hindi ko maiwasan maalala ang nangyari nitong mga nakaraan araw.
Kung paano ko nalaman ang lahat tungkol sa akin pagkatao. Na sana hindi na lang.
Kabadong-kabado ako habang nakaupo sa waiting area ng ospital, dumaan muna ako roon bago umuwi ng Batangas para sa resulta ng general check up dahil ngayon lalabas pagkaraan ng ilang araw.
I have been feeling strange for the past day, and I know something is happening to me.
My chest heaved when the doctor returned with pieces of paper.
"Miss Mavis," tawag sa akin ng ginang pagkaupo niya sa harap ng kaniyang lamesa.
Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng aking mga hita habang hinihintay ang sasabihin niya.
"A-Ahm, buntis po?" tanong ko kaagad dahil iyon lang ang naiisip ko talaga.
We are sexually active. I can't deny that. I have been using pills for the past few years, but when we went to Bataan and I got sick there, I felt like I missed some days. I am not even sure.
May nangyari sa amin dito sa Pampanga bago siya umalis ilang linggo na ang nakakaraan, hindi malabong may mabuo nga kung gano'n.
Sa galing niyang kumaldag, sigurong malayo ang nalangoy ng mga chikiting niya.
I'm not even scared; I'm thrilled. I love the idea of having a baby with the man I truly love.
Kung noon ay takot ako sa ideya na ganito ay ngayon ay hindi ako nakakaramdam ng takot dahil alam kong hindi kami pababayaan ni Draco, may trabaho rin naman ako.
I feel like I am physically and mentally ready for this stage.
Tipid na tumango at ngimiti ang doctor. "Yes, Miss Mavis... you're three weeks pregnant, congratulations!"
Naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig nang ilapag niya ang isang papel sa lamesa.
Nanginginig ang aking kamay na pinulot iyon, natawa ako nang maisip ang magiging reaksyon ni Draco pag-uwi niya.
Napahawak ako sa aking tiyan.
"Thank you so much po, Doc. Tatawagan ko 'yong boyfriend ko... shit, or i-surprise ko na lang pag-uwi?" parang tangang tanong ko sa aking sarili.
"Ahm..." Tumikhim ang doctor upang kuhanin muli ang atensyon ko. "May iba pa kasing lumabas sa test, Miss Mavis."
Tumango ako habang may ngisi pa rin sa labi. Seryoso naman akong tinitigan ng doctor.
"I will recommend you to our ophthalmologist, who will discuss more details of the results," imporma niya sa akin, kaagad niyang sinenyasan ang isang nurse na samahan ako at may mga sinabi pa siya.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
Aktuelle LiteraturConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...