KABANATA 8

40.9K 1.8K 577
                                    

Kabanata 8:


              KUKUSOT-KUSOT pa ako ng aking mata nang iangat ko hanggang kalahati ang rolling steel door ng funeral shop. Sapat lang ang luwag no’n para makapasok si Father Draco sa loob.

Wala pa sina Ben at Bert, half day lang ang bukas ng funeral shop tuwing Sabado, habang buong araw naman na sarado tuwing Linggo, dahil umuuwi ako sa bahay upang makasama naman ang mga kapatid ko.

Halos naka-squat ako upang masilip siya sa labas. Nilibot ko ang tingin at nakita ko Father Draco sa gilid ng puno malapit sa gate.

May hawak siyang sisiw at payong na itim, parang bata na nag-aabang ng kaniyang sundo na nanay.

Nagtama ang tingin namin ni Father Draco, tama nga ang sabi niya. Nandito siya!

Natulos siya sa pagkakatayo roon at animong nakakita ng multo kaya kaagad nagsalubong ang kilay ko.

“Pasok ka, Father! Bilis!” gising na gising na ang diwa ko, sinenyasan ko siyang yumuko upang makapasok.

Nakita kong nag-iwas siya ng tingin. Tingnan mo ’tong taong ’to, ang bigat kaya nitong hawak ko, nagpapa-importante pa. Ano siga, gold?

“Wuy, Father dali isasara ko na ’to!”

Nagpantay ang kaniyang labi animong may pinipigilan siyang sabihin.

“Pumasok ka na, Father. Bilis!” naiirita na ako.

Walang tingin-tingin na yumuko siya at pumasok sa shop dala-dala nga si Inasal.

Kaagad kong binitawan ang rolling steel nang tuluyan siyang makapasok dahilan upang magsara ito pababa.

Nang lingunin ko siya ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero kaagad din nag-iwas tingin.

Pilit kong hinabol ang mata niya ngunit deretsiyo ang tingin niya sa mga kabaong sa gilid, animong may interesanteng bagay roon.

Bahagya tumabingi ang aking ulo dahil doon. Ano bang problema ng galamay na ’to?

Sarap-sarap ng tulog ko, istorbo. Teka nga, paano niya nakuha ang numero ko, huh?

“Doon tayo sa kusina, Father. Anong oras na ba? Tinanghali ako ng gising.” Humihikab pang sabi ko kahit obvious naman. Nagpatiuna na akong maglakad, ngunit napatigil din ako nang mapansin na hindi naman siya sumusunod sa akin. “Ano, diyan ka lang ba?”

Gumalaw ang kaniyang panga. “At least wear some shorts, Ma’am.”

Natigilan ako sa sinabi niya, unti-unting bumaba ang tingin ko sa aking damit. Kaagad nanlaki ang aking mata nang mapagtanto na naka-oversize shirt lang ako at underwear.

“Ay kaya pala malamig, naka-bold star pala ako.” Humalakhak ako.

Hindi siya natawa kaya naitikom na lang ang bibig ko.

Mabilis akong umakyat upang makapagsuot ng pajama. Kaya pala nilalamig ako, nakalimutan ko.

Nang makabalik ako sa ibaba ay nasa kusina na si Father Draco habang seryoso ang mukha na nakahalukipkip doon. Maliit lang ang kusina na iyon, may lamesa roon na sapat lang para sa amin at nasa ibabaw no’n si Inasal na palakad-lakad lang.

Gusto atang tumalon at magpakamatay.

“Bakit pumunta pa kayo rito, Father? Pasensiya na hindi ako nakapagluto ng almusal mo, pero may mga pagkain pa naman sa ref, puwede mo pa ’yon initin. Hindi naman ’yon panis, hindi panisin kapag ako nagluto,” buong pagmamalaki na sabi ko habang nagtitimpla ng kape namin.

Kabisado ko na ang timpla na gusto niya, kaunti sa asukal pero madaming cream at coffee.

“Inasal wanted this. I didn't even want to get up since I was still sleepy. I'm just thinking about Inasal,” mabilis na sabi niya sabay turo sa sisiw.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon