Kabanata 26:
I didn't take my eyes off him while saying those words. I practiced it for days, memorizing those exact lines in my head. I thought it would be easy and wouldn't affect me anymore, but every word that comes out of my mouth is killing me.
Inaasahan ko na ang magiging galit niya sa sinabi ko, handa ako para roon.
Nang makita ko ang galit na nasa kaniyang mata ay sigurado akong masasaktan niya ako sa oras na makalapit siya sa akin.
Madilim ang kaniyang mukha, ngayon ko lang nakita ang ekspresyon na iyon na para sa akin.
Halos mapapikit ako nang gumalaw siya, akala ko ay tatama ang kamao niya sa akin kaya gano'n na lang ang aking gulat nang kabigin niya ako para sa isang mahigpit na yakap.
Yakap na kailangan na kailangan ko.
I gasped when Draco wrapped his arms around my waist while caressing my hair. I could feel his hard breathing, and I know he's trying very hard to calm down.
"What's making my baby upset, hmm? Please, tell me what's our problem, love?"
Mariin akong pumikit, parang may punyal na paulit-ulit tumusok sa puso ko sa mga binitawan niyang salita.
"H-Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Draco?" Pilit ko siyang itinulak palayo sa akin bago pa ako bumigay.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa aking likuran.
"I heard it clearly, baby. Please, let's calm down, okay? Pag-uusapan natin, anong problema? Bakit mo naisip 'yan, hm? Galit ka ba sa akin? Anong nagawa ko na ikinagalit mo, mahal? Anong nangyari habang wala ako? Did I make you upset? What have I done? What do you want me to do, then? I am sorry, I should now our problem, please tell me." Narinig ko ang pagnginig na rin ng kaniyang boses.
"Gusto ko m-makipaghiwalay."
"Wala iyan sa pamimilian, Mavis. We'll fix it now or I'll give you time and then we'll fix it," he said so firm.
Sa sobrang higpit ng yakap niya ay halos kapusin ako ng hininga, pakiramdam ko'y mas nanghina ako dahil sa sinabi niya.
Pakiramdam ko'y bibigay na ako kaya bago pa mangyari iyon ay tinulak ko na siya sa balikat.
"N-Nasasaktan ako... Draco," mahinang sabi ko para lang bitawan niya ako.
Kaagad lumuwag ang yakap niya, parang nanghihinang dumausdos ang mga palad sa aking siko, animong natatakot na bigla na lang akong tumakbo.
"I'm sorry, sorry... " paulit-ulit na bulong niya, kahit wala naman talaga siyang kasalanan dito.
Suminghap ako at pinanatili kong blanko ang aking mukha. Sinigurado kong makikita niyang desidido ako sa bagay na ito.
"Draco, hindi na 'to maaayos katulad noon. Hindi ka ba nagsasawa sa ganitong set-up? Aalis ka, babalik na parang walang nangyari, ayoko ng ganito... pagod na pagod na ako, Draco."
"Baby don't say that..."
"Sa loob ng isang buwan na iniwan mo ako mag-isa rito ay madaming nangyari, ang dami kong na-realize at isa na roon ang hindi ako handa sa ganitong responsibilidad..." Marahas akong umiling.
Nakita ko ang dumaan ang sakit sa kaniyang mata, ngunit nagawa pa niyang ngumiti sa akin.
"Kung pagod ka... ako hindi mapapagod sa atin. Hayaan mong ako na lang ang lumaban, Mavis. Let me fight for us, hmm?"
Nag-iwas ako ng tingin at pagak na natawa bago ibalik ang tingin sa kaniya.
"H-Hindi mo ba naiintindihan, Draco?Wala na akong pagmamahal na natitira sa'yo!" madiin ang bawat salitang binitawan ko. "Oo, naging mahalaga ka at hindi ko itatanggi iyon, pero ayokong manatili sa relasyon na ito dahil lang sa tagal na mayroon tayo!"
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...