Kabanata 18:
MABILIS lumipas ang tatlong araw pagkatapos ng gabing iyon sa flower shop.
Katulad ng nais ni Draco ay lagi kaming magkasama at wala naman nakakahalata sa kung anong mayroon sa pagitan namin, dahil sanay na silang nakikitang kaming magkasama.
Ang madali pa ay magaling talagang umarte si Draco, talagang iwas siyang hawakan ako o maglambing kapag may tao, halos hindi na nga ngumingiti sa akin kaya ang sarap asarin lalo.
“Sabihan na lang sila para sa darating na pasko sa susunod na buwan, lalo't magiging abala ang simbahan,” malumanay na sabi ni Draco sa mga matatanda na miyembro ng isang asosasyon dito sa simbahan.
May meeting sila tungkol sa mga magiging event sa susunod na buwan.
Nakakamanghang alam niya ang mga bagay na ’yon at halatang pinag-aralan talaga niya ang pasikot-sikot sa simbahan at pamamahala.
Hindi lang basta pumunta siya rito at nagpanggap, planado talaga niya.
“Alam niyo na rin naman siguro na hindi talaga nawala ang ating pondo noon, nailagay lang ni Mother Fe sa iba, hindi ba Mother?” usal niya saka sumimsim ng kape na gawa ko.
Nakita ko ang pagkataranta ni Mother Fe kaya gusto kong matawa.
“A-Ah oho, Father. Tama po.”
Deretsyo ang tayo ko sa gilid ng silid habang pinapakinggan sila, nakita kong sinulyapan niya ako sinesenyasan na lumapit sa kaniyang lamesa ngunit hindi ko ginawa.
Mukha naman akong tanga na tatayo roon, imbes na sundin siya ay nanatili ako malapit sa pintuan.
Sakto naman bumukas ang pintuan at pumasok si Gio, nagulat pa siya nang makita ako sa loob.
Mukhang siya ang service ng matatanda pauwi lalo't kasama ang lola niya.
“My labs!” tawag kaagad niya sa akin at tumabi sa akin.
Palihim akong tumingin kay Draco, nakikinig siya sa usapan ng matatanda ngunit nasa amin ang titig.
Walang buhay ang kaniyang mata animong nagbabanta pa.
Hinampas ako ni Gio sa braso. “Huy, nabalitaan ko 'yong arte niyo noong nakaraan. Ang galing mo, my labs! Para pala iyon sa social experiment tapos ang kikitain pera sa palabas ay para sa simbahan? Naks!”
Hindi ko na maintindihan kung saan nila iyan nakukuha pero tumanggo na lang ako sa sinabi niya.
“Oh, nandyan na pala si Gio,” ani ng Lola niya nang mapansin siya. “Nako, Father... alam mo ba ang dalawang iyan, bata pa lang magkasama na. Hindi ba, Mavis? Doon ka pa nga kumakain sa bahay dati. Akala ko nga’y sila ang magkakatuluyan eh mukhang may nobyo na pala itong si Mavis, nabalitaan ko roon kila Efren ay may kasama raw na lalaki no’ng nakaraan gabi,” usisa niya.
Hindi na ako nagtaka pa na kakalat iyon.
Gusto ko rin itama ang sinabi niya tungkol sa laging pagsama namin ni Gio, hindi lang naman ako iyon.
Kasama rin namin ang ilang kaklase namin dati, mahilig kaming mag-food trip noon at saktong maraming pagkain sa kanila.
“My labs, sino ’yon?” chismoso rin sabi ni Gio.
“Oh, gano’n ba? Hindi ko alam na may nobyo ka, Mavis?” natutuwa ng sabi ni Draco.
Naningkit ang aking mata dahil enjoy na enjoy pa talaga siyang kumalat ang balita na ’yon.
Pasalamat siya’t lasing ang nakakita sa amin at hindi siya nakilala.
“Hmm... wala ata, Father.”
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...