Kabanata 31:
I'm disappointed but not surprised. I understand why he did that. Malamang na uunahin niya ang kaniyang kasintahan kahit pa nga ang tagal ng aming pinagsamahan. Kung ilalagay man ako sa posisyon ni Megan, at unahin ng boyfriend ko ang ex niya kaysa sa akin... masasaktan ako.
Dapat at tama lang na ang fiancée niya ang unahin niya. Sila ang may relasyon, responsibilidad nila ang isa't isa at hindi ako.
Hindi ko dapat kinukumpara ang sarili ko, walang dapat ikumpara.
I smiled at that thought and then looked down at the bandage on my right foot.
Ang huli kong natatandaan ay binuhat ako ni Raim, halos hindi ko na alam ang sunod pang nangyari lalo’t nawalan na ako ng malay.
Nagising lang ako na nasa bahay na ulit kami at may benda na ang aking paa, linis na rin ang ilang sugat ko sa katawan, paniguradong ginamot na ni Raim.
I can't sleep even though it's past midnight. I went to the rooftop where we used to hang out.
May mga nabago na rito sa gazebo na ginawa namin noon, halos hindi ko na makilala.
Ang puting sofa ay napalitan na ng itim, naging rattan na rin ang lamesa na maliit sa gitna at mas naging maayos naman pwesto ng mga halaman sa gilid.
Nakuntento ako sa pagtanaw sa bilog na bilog na buwan, kitang-kita iyon dahil walang mga ulap.
Napangiti ako nang makita ang dikit-dikit na apat na bituwin, sa gilid ng mga ito ay may dalawang mas malalaki.
Itinaas ko ang aking mga kamay, animong inaabot ang anim na bituwin na may kakaibang porma sa langit.
I'm not sure if it's right for me to come here, but it's not just a sudden decision of mine either.
Naibaba ko kaagad ang kamay ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa roof top.
Nagkagulatan pa kami ni Draco nang magtama ang aming mga mata, mukhang hindi rin niya inaasahan na nandito ako, hindi ko rin inaasahan na gising pa siya.
Bakit gising pa siya? May problema ba?
Aalis na sana siya ngunit tinapik ko ang bakanteng puwesto sa aking tabi, akala ko ay babalewalain niya iyon kaya nagulat ako nang tumigil siya sa pag-alis. He stared at it for a moment before he walked towards me. He sat next to me, with just enough distance.
Sandali kaming natahimik, sa gilid ng aking mata ay kita ko paglingon niya sa paa ko na may benda.
"How's your feet?" I'm surprised by his gentle voice.
"Ayos naman, masakit kaunti kapag tinatapak." Malakas akong bumuntonghininga. "Sorry, nasira ko ang lakad kanina. Ayos lang ba si Megan?"
Nilingon ko siya, nakita kong gumalaw ang kaniyang panga animong may hindi nagustuhan sa aking sinabi.
"Megan is all right. What happened earlier really wasn't your fault; we are liable for what happened, especially because you are our responsibility," he mumbled.
Sumandal siya sa sofa, ipinahinga niya ang ulo sa sandalan no'n at napatitig sa madilim na langit animong malalim ang iniisip.
"Gano'n talaga kapag aksidente, hindi naman natin hawak ang mangyayari," malumanay kong saad.
Hindi niya ako nilingon, ngunit kita ko ang kaseryosohan sa kaniyang mata. "What happened earlier was not an accident, Mavis. Someone had planned it, knew we were there, and knew exactly when we were leaving the parking lot."
Suminghap ako sa sinabi niya, napatitig ako sandali sa aking paa.
Tama siya, at kung sino man ang gumawa no'n ay talagang pinuntirya ako... o si Megan.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...