Kabanata 13:
Hindi kaagad ako nakapag-react dahil sa sinabi niya, nanatiling hawak ko ang kaniyang pulso habang dikit na dikit ang katawan namin. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, halong kaba at gulat ang nangingibabaw sa akin dahil sa mga nangyayari.
Doon ko napagtanto na hindi ako takot mamatay para sa aking sarili, mas natakot akong isipin na masasaktan ko ang aking mga kapatid kung bigla na lang akong mawawala at iiwan sila.
Mariin akong pumikit, sa pagdilat ko ay hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang pulso at mas diinin ko ang kutsilyo.
Naramdaman kong nanigas siya sa aking likuran, halatang nabigla sa aking ginawa.
“What the hell are you doing?” madiin sabi niya sa tainga ko.
Nilingon ko siya sa aking balikat, doon ko napagtanto na sobrang lapit nga namin, maling galaw ko lang ay maaari ng magtama ang aming mukha.
Naramdaman kong inilalayo niya ang kamay sa aking leeg, hindi ko mapigilan matawa dahil doon.
“Akala ko ba gusto mo akong patayin? Ito na oh, Father Draco... hindi ako lalaban, itarak mo ’yang kutsilyong hawak mo sa leeg ko at panuorin akong malagutan ng hininga sa harapan mo. Hindi ba’t ito naman talaga ang pakay mo rito?” matapang na sabi ko.
Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil hindi man lang ako nautal.
Walang kahirap-hirap niyang binaklas ang pagkakahawak ko sa kamay niya’t inihagis ang kutsilyo sa gilid, tumilansik ang dugo galing doon.
Nagtama ang aming mata dahil sa biglang galaw niya, kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mata.
“Anong ginagawa mo?!”
Mabigat ang kaniyang paghinga, hindi ko naman inalis ang aking titig sa kabila ng kabog ng aking dibdib.
Kahit madilim ay kita ko ang dugong bumabalot sa kaniyang katawan. Siguro dahil sa uri ng trabahong mayroon ako ay lumakas na lang ang loob ko na makakita ng ganito.
Kaagad kong naisip na nasugatan siya kaya puno siya ng dugo.
Lumapit ako sa kaniya at pinakatitigan ang mga markang pula sa kaniyang katawan kung saan nanggagaling ang dugo.
Hinaplos ko ang kaniyang braso, kumunot ang noo ko dahil wala naman sugat doon, aalisin ko sana ang dugo sa dibdib niya upang i-check kung doon ba nanggagaling ang dugo ngunit mabilis niyang hinuli ang kamay ko.
“Anong ginagawa mo rito? Anong ginagawa mo...” madiin sabi niya, mariin siyang pumikit at nang dumilat ay naging malamlam na ang kaniyang mata. “Sa akin.”
Pilit kong binawi ang kamay ko.
“Puno ka ng dugo.”
“Damn it! Why do you always think about other people, huh? Why don't you think first about yourself?! Sarili mo muna!” singhal niya saka tinabig ang kamay ko.
Hindi ako nakapagsalita.
“Dapat intindihin mo ang sarili mo, nakita mo ng puro ako dugo at may hawak na kutsilyo, tinutukan kita, pumasok ako sa shop niyo, ninakaw ko ang pera ng simbahan at isang gamit sa shop niyo, tinatapon ko rin ang mga luto mo, nagsisinungaling ako sa lahat ng tigabaryo... dapat hindi ka na naaawa sa akin, dapat sarili mo na lang ang iniisip mo! Ikaw muna!” malakas na sigaw niya.
Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya, hindi ko alam kung sa akin ba siya galit o sa sarili niya.
Sunod-sunod siyang nagmura bago lumapit sa akin, kaagad niyang nilapat ang palad sa aking leeg.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
Художественная прозаConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...