KABANATA 23

37.8K 1.5K 659
                                    


Happy 330K to us, Savies! Always thankful. I love you!


Kabanata 23:

TAKOT.

Sobrang takot ang nakaramdam ko nang marinig ang tatlong putok ng baril, mariin akong pumikit at hinahanda na ang aking sarili sa mga susunod na mangyayari. Kung papatayin nila ako ngayon ay hindi ko ibibigay ang satisfaction sa kanila, hindi ako magmamakaawa.

Ngunit ilang segundo pa ang dumaan ay tumahimik ang paligid, walang mga yabag papalapit sa akin kaya napadilat ako.

Gano'n na lang ang pag-awang ng aking labi, nang tumama ang aking tingin sa tatlong armadong lalaki kanina na ngayon ay nasa damuhan at nakahandusay na.

Maliwanag ang buwan kaya naman kitang-kita ko ang pagtama ng liwanag no'n sa isang lalaki na nakaitim na hooded cape, sa kanan kamay ay may baril habang maliit na espada naman sa kabila.

Hilam ang aking mata dahil sa luha habang nakatingin sa misteryosong tao, matangkad at malaki ang kaniyang pangangatawan kaya naman alam kong lalaki siya.

Kinabahan ako nang malalaki ang kaniyang hakbang papalapit kung nasaan ako nakatago, ni hindi na ako nakagalaw pa nang lumuhod siya sa harap ko't binitawan ang mga sandata.

Sisigaw na sana ako upang humingi ng tulong ngunit narinig kong nagsalita siya.

"Is my love, okay?"

Unti-unting luminaw ang kaniyang mukha sa akin paningin, madilim at puno ng luha ang aking mga mata ngunit alam kong hindi ako dinadaya ng aking imahenasyon. Hindi pa naman siguro ako nababaliw, hindi ba?

Mas lumakas na ang iyak ko nang tuluyan kong makilala kung sino ang nasa harapan ko, parang bata na umiyak ako lalo na nang sapuhin niya ang pisngi ko.

"Gago ka!"

Mahina siyang natawa, marahan pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

"Patawad natagalan ako, love..." paos ang boses ni Draco.

Mahigpit ko siyang niyakap sa kaniyang leeg habang umiiyak, wala na akong pakielam kung anong paliwanag niya, kung bakit hindi siya nagpakita ng ilang buwan. Ang mahalaga ay nakauwi na siya sa akin, ligtas siya.

Naramdaman kong ginantihan niya ako ng mahigpit na yakap, ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking balikat.

"We need to get out of here before people come; they must have heard the gunshots, baby," bulong niya sa akin habang tinatahan ako, marahan niyang hinihimas ang likuran ko.

"S-Si I-Inasal..."

"He's a fighter... he’ll survive," pag-aalo niya.

Doon ko lang napansin kung sino ang nasa likuran niya.

Karga-karga ni Raim si Inasal habang tinatali ni Gabrel ang tatlong lalaki. Napagtanto kong buhay pa sila ngunit may mga sugat sa binti dahil iika-ika sila habang may busal ang bibig upang hindi makasigaw.

Inalalayan ako ni Draco na tumayo, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makitang sinukbit niya ang baril sa kaniyang tagiliran at iniabot ang espada kay Raim.

"I didn't kill them, and I won't let this stunt slip. I'll find out who ordered and sent these three motherfuckers," imporma sa akin ni Draco nang makita ang pag-aalala sa mukha ko.

Hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng nangyari, tumango lang ako at nagpahila na sa kaniya kung saan man kami pupunta.

Tinahak namin ang matataas na damo at kasunod no'n ay lumabas na kami sa malawak na bukidin, dumaan kami sa likod ng bahay nila Gabrel at lumusot papunta sa likod ng simbahan.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon