KABANATA 24

37.6K 1.3K 317
                                    


Yes, six years. This timeline is the same timeline sa wakas ng series 1, from Ebony's coming home until Gavril loses his memory.

Kabanata 24:

Six years have passed since that night.

Malinaw na malinaw pa rin sa akin ala-ala ang lahat ng nangyari; ang pagtakas ko sa gubat, ang pagkawala ni Inasal, ang pagsama ko sa Batangas kay Draco.

Hindi kaagad kami nakauwi sa Pampanga pagkatapos no'n, ilang araw kaming nanatili sa kaniyang bahay kasama ang kaniyang mga kagrupo.

Naging panatag ako dahil katulad ng sabi niya ay naging ligtas ang mga kapatid ko, at hindi na sundan pa ang insidenteng iyon.

That year, I finished my study and completed the unit requirements. Draco and I agreed that I would stay in Pampanga; hindi ko rin kasi maiwan ang mga negosyo lalo na ang mga kapatid ko.

Good thing, that incident did not happen again.

Wala na ulit nagtangkang kumuha sa akin, wala ng naging kakaiba hanggang mabilis lumipas ang mga buwan.

Ang tatlong lalaki naman na nahuli ay nanatiling hawak ng kanilang organisasyon hanggang ngayon.

Draco was just visiting me during our first year of dating, just like our first three months.

Nakuntento kami sa gano’n set-up, hindi naman din natatapos ang isang buwan na hindi siya bibisita.

Mostly, weekly kami kung magkita, tapos ay dadalhin niya ako kung saan.

He loves to spend our leisure time together, having long conversations, cooking, sharing our weeks, cuddling, and, of course, making love.

Baka naulol na ang isang 'yon kung hindi.

I can't help but remember our first anniversary. It was awkward since he visited me as Father Draco; he was preaching about love in front of the church while looking at me.

Hindi naman nagtanong ang mga tiga-baryo tungkol sa pag-alis ni Draco sa parokya. Siguro’y sa pagkakaalam nilang volunteer priest lang siya roon.

At hindi kagaya ng una kong plano noon, na ipagsasabi ang serkreto niya sa oras na malaman ko ay ako pa mismo pa ang tumutulong sa kaniyang magtago no'n.

Hindi naging madali ang unang taon namin dahil nga hindi kami magkasama madalas.

Pero nakaya ko dahil hindi ako binibigyan ni Draco ng dahilan magduda sa relasyon namin o sa pagmamahal niya sa akin.

Kahit malayo siya ay ramdam ko iyon, lagi siyang gumagawa ng paraan upang magkausap kami.

Hindi naman din masaya palagi sa anim na taon na 'yon, may pagkakataon na nagkakaruon kami ng hindi pagkakaunawaan at sa tingin ko'y normal lang dahil may iba't iba kaming pananaw. We make sure that we always discuss and fix things that we don't agree on, resolving our disagreements.

Advantage of dating an older man, I think.

And maybe that's the secret to our long relationship. Trust and assurance.

Our second and third years were actually busy. May bago silang misyon no'n at sa Cebu pa, samantalang ako ay naging abala naman sa isang foundation na ini-sponsor-an ni Draco. Para iyon sa mga batang walang matatawag na tahanan, pinagkaitan ng pamilya o kaya naman ay sa mga kabataan na naligaw ng landas.

Draco and I have both experienced how cruel fate is. Like what he said to me, as long as we can help, we will do it, even in a small way.

Nang mag-apat na taon naman kami ay napansin na ni Tito Toti na may kasintahan ako.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon