KABANATA 32

41.6K 2K 2.3K
                                    



KABANATA 32:



Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano bang dapat kong maramdaman habang nasa harapan ko ang hindi pamilyar na lalaki, para kasing gaguhan. Sa dami ng nangyari ay bigla na lang may haharap sa akin at magpapakilalang magiging asawa ko.

Hindi kaagad ako nakabawi, hinayaan ko siyang halikan ang kamay ko.

Huli na para matanto kong may ilang pares nga pala ng mata na nakatingin sa amin.

"If you want your hand still intact on your body, I suggest you let her hand go, Mr. Farris," kalmadong boses ni Draco.

Parehas kaming napalingon sa kaniya, may ngisi sa kaniyang labi at ilang hakbang na lang ang layo sa amin.

Doon ko napansin ang mahigpit na hawak ni Megan sa kaniyang braso.

The man who claimed to be my future husband stood straight and placed me behind him, as if creating a territorial boundary and protecting me from Draco, who is now even more furious; rage is visible on his face.

"If you are holding your fiancée, then I have the right to touch mine too. Unless Mavis herself refuses, then I won't do it."

Pilit akong sumilip, nakita ko kung paano mas dumilim ang mukha ni Draco, hindi ko naman makita ang sa lalaki dahil nasa likod niya ako.

Nakakalokong ngumisi si Draco. He started playing with his tongue inside his mouth.

Natigil lang ang titigan na iyon nang tumikhim si Raim, bahagya siyang lumapit sa amin.

"Draco... Mr. Farris, will be one of the ten bosses after Sigma when his older brother transfers the position to him," imporma niya.

Ngunit hindi siya pinansin ni Draco, animong wala itong narinig. Lumipat sa akin sandali ang matalim niyang tingin bago ibalik sa lalaki.

"This is my house and my rules will be followed, Mr. Farris." Draco completely ignored Raim's statement. I can't even react because of so much shock.

The man chuckled and looked at me.

"Oh then, let's go."

Hindi kaagad ako nakapag-react nang hawakan ako ng lalaki sa aking pulso upang marahan hilahin palabas, kaagad humarang si Draco sa dadaanan namin.

Hindi ko alam ngunit ang makita siya pagkatapos ng sakit na naramdaman ko kagabi... nanlalamig ako, hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon.

Naalerto ang mga guwardiya sa paligid, kaagad akong natakot dahil ayaw kong magkagulo.

"And where the hell are you going? You can't drag her like that!" Draco hissed; Megan's hand was no longer on his arm.

Malakas na bumuntonghininga ang lalaki, hindi siya nagpatinag kay Draco, mas natakot ako para sa kanila.

"Ayaw mo nag-uusap kami sa harapan mo, kung gano'n ay aalis na kami. Kailangan ko makausap si Mavis, at hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon mo, Mr. Rusinni. Hindi ba't dapat mas matuwa ka, wala na kayong iintindihin dito, kukunin ko na ang mapapangasawa ko," nagulat ako nang marinig ang kaniyang tagalog.

Maganda ang accent niya sa English, ngunit iba ang lalim ng boses sa tagalog.

"T-Teka..." awat ko sa namumuong gulo, nangungusap kong tiningnan ang lalaki. "H-Hindi ako aalis dito... hindi pa puwede..."

Sinulyapan ko sila.

Madilim pa rin ang mukha ni Draco, habang mukhang enjoy na enjoy si Raim kakalipat ng tingin sa amin na para bang nanunuod siya ng isang pelikula.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon