Warning: Matured Content - R18
Kabanata 20:
Hindi pa man ako nakakabawi sa sinasabi niya ay siniil na niya ako ng marahan na halik, napahawak ako sa kaniyang balikat. Mainit ang kaniyang hininga, ngunit nanlalamig ang aking tiyan.
Kinailangan ko pang kumapit nang mahigpit sa balikat niya para lang makabawi. Itinulak ko siya palayo sa akin bago pa ako matukso lalo.
Mapungay ang kaniyang mata nang maghiwalay ang aming labi.
"Ibig mo bang sabihin ay katulad mo rin ako? Boss din ako?" naguguluhan tanong ko sa kaniya.
Umayos ako ng upo sa kaniyang hita at narinig ko ang daing niya roon.
"Baby, don't move like that, please. I'm trying to behave."
"G-Gagi, ba't kasi hindi mo ikalma 'yang ano mo? Seryoso ng usapan, Draco." Pinandilatan ko siya.
Napanguso siya ngunit sa huli ay hindi na nagsalita pa.
Nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa aking tainga.
Neptune... para bang isang code nila iyon na sila lang ang nakakaalam kung gaano kaimportante, kung gaano kataas.
"Your mark is real and legitimate. I know the bosses personally, and you're not one of them. All we know is that you are definitely a member, but we can't dig deeper to see what rank you have or who's in charge of you. We tried to find out how you joined the Conrad, but your account in our system is private, more likely a VIP account. Except for your name, no other information has been added," seryosong sabi niya.
Sobrang lakas ng kabog ng aking puso dahil sa impormasyon na 'yon.
"Hindi kaya may kinalaman si M-Mama?" takang tanong ko.
Iyon lang naman kasi ang nakikita kong dahilan ngunit may agam-agam din ako.
Alam kong hindi ganitong tao si Mama, at hindi ganitong klaseng buhay ang kinalakihan niya. Laki sa hirap ang pamilya nila, nang nag dalaga si Mama ay nagtrabaho siya sa munisipyo, natipuhan ng aking ama na hindi pa Mayor nang mga panahon na 'yon, palipat-lipat kami hanggang sa lumaki ako at makilala niya si Tito Toti.
"That's also one of my thoughts, but I don't want to ask you because I know you don't want to talk about your mom," malumanay niyang saad.
"Ngunit malabong mangyari iyan, Draco... normal na tao lang sila Mama, lalo na si Tito Toti, dahil kung ganyan pala sila kaimportante bakit naman nila hahayaan na maghirap ang mga anak nila... kung mataas naman pala sila," paliwanag ko pa.
Marahan siyang tumango animong naiintindihan niya ang sinusubukan kong ipaliwanag.
Kahit sabihin natin na hindi si Mama, kahit si Tito Toti.
Tingin ko'y hindi naman niya hahayaan naghihirap ang apat na anak niya, kung puwede naman pa lang dalhin sa mas maayos na pamumuhay.
Para tuloy bumalik ang sakit sa aking ulo, napapantastikuhan ko siyang tinitigan nang may maalala ako.
"So... boss ka, mas mataas ka kay Gabrel?" nagugulat pang sabi ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Wow, boyfriend ko boss.
"Hm."
"Wow," manghang sabi ko.
Para ba itong katulad ng mga napapanuod ko na secret agents na movies, gano'n?
Nasabi na niya sa akin na kaya niyang manakit ng ibang tao, nakita ko na rin siyang duguan noon kaya hindi malabo ang iniisip ko.
"Y-Yung nakita kitang puro dugo... p-pumatay ka ba no'n?" kinakabahan tanong ko.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
Genel KurguConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...