Amorah's POV
"That can't be, Dad! No, Ayo'ko!" bulyaw ko.
Napatayo pa ako mula sa kinauupuan sa gulat at pagkadismaya sa narinig. I know I sound rude to them right now, but I just can't help it! I can't let this happen!
"You will, Amorah Andrea Mateo, and that is final!" maawtoridad na utos ni Dad. Umalingawngaw pa ang malakulog niyang boses sa mansyon.
And it was like a death sentence to me!
Tila ako pinagkaitan ng hangin at nanginig ang katawan sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.
I have always been a good daughter to them, as far as I could remember. An obedient girl, at sunud-sunuran sa anumang pinag-uutos nila. Kaya bakit gano'n?
How can they just marry me off to someone na hindi ko kilala at lalong-lalo na, hindi ko mahal?
Nagmamakaawa kong nilapitan si Mommy na ngayo'y maluha-luha at bigong nanonood sa akin. I held her hands to beg, almost on my knees.
"Mom... please, ayo'ko. I'm only almost 21. And I still have dreams!" I said with tears on my eyes.
I know she understands me better than anyone, she's my mom after all.
Malungkot niyang pinupunasan ang aking mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak. I'm crying like I'm gonna die any moment from now.
Tiningala niya si Daddy na ngayon ay paakyat na ng kwarto nila sa second floor ng mansyon. Meaning, no further negotiations are allowed and what he said was final. But, I still somehow hoped Mom could persuade him.
She sighed sadly, then looked at me with those eyes that made me even hopeless. "Hush, baby. I know it's hard at first pero matatanggap mo rin ang mapapangasawa mo... just like us ng Daddy mo. Hindi naman ganoon kasama ang arranged marriages, anak. Matututunan mo rin siyang mahalin pagdating ng panahon," banayad niyang tugon.
Tuluyang gumuho ang mundo ko sa narinig. I let out a loud sob and shook my head in disagreement. "No, mommy!" I said in frustration. "Hinding-hindi ko ito matatanggap. Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong iyon! Never!" I stormed out after that.
"My baby... Amorah!" pigil ni mommy ngunit 'di ko na nilingon pa.
I was too hurt. Too confused... and too disappointed to hear another excuses.
Why would they do this? Hindi ba nila ako mahal?
I cried so hard inside my room, sino ba ang hindi? Matapos ka ba naman sabihan na 2 years from now, ipapakasal ka na sa taong hindi mo man lang kilala, ni hindi mo kailanman nakita?
Bahala na. Gagawin ko lahat para hindi makasal sa lalaking iyon!
I decided to take a good shower, hoping my heart would feel lighter. Masasayang lang ang luha ko sa kakaiyak. There's no point in arguing. Kung pinal na ang desisyon nila, pinal din ang akin!
"Girl, sino ba'ng namatay at mugto ang mga mata mo?" usisa ni Lia, isa sa tatlong malalapit kong mga kaibigan na babae.
Tumatambay kami ngayon sa school cafe bago pumasok sa kanya-kanya naming mga klase.
"Baka lalaki, 'ka mo!" sabat ni Yve habang nginunguya ang kinakaing chichirya.
Nagtaasan ang kilay ng mga loko kong kaibigan, hindi makapaniwala sa komento ni Yve. Ako man ay nagtaka sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...