Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan, napahawak pa ako sa dibdib sa gulat. I instantly glared at him nang makabawi.
"Lintik naman, papatayin mo ba ako sa gulat, ha?" singhal ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mata, pero ang loko, tinawanan lang ako like my burning glares are a joke.
"Kape pa more! 'Yan tuloy ang daling nerbiyosin!"
Mas sinamaan ko pa siya ng tingin kahit hindi niya iyon kita, but I know he knew how I looked and how pissed I am right now. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ang ginugulat ako.
I saw him shyly mouthing sorry sa taong nasa likuran ko, tapos ay sa iba pang direksyon. Nang tingnan niya akong muli ay pigil-tawa niyang itinikom ang bibig. Problema nito?
Tinaasan ko siya ng kilay saka humalukipkip. Napansin siguro niyang nauubusan na ako ng pasensya kaya tumikhim siya at pilit na nagseryoso kahit may itatawa pa.
"Sorry na, masyado ka kasing kabado eh," kinuha niya ang kamay ko at inangat iyon. "Tingnan mo oh, wala na tayo sa Amerika pero itong kamay mo malamig pa sa yelo! Nanginginig pa!"
Inirapan ko siya at binawi ang kamay.
Sino ba'ng hindi kakabahan sa sitwasyon ko ngayon?
Well, lagi naman akong kinakabahan tuwing may mga ganito, t-rum-iple lang talaga ngayon! Hindi kasi mawala-wala sa isip kong baka may makakilala sa akin kahit nakamaskara ako, pero sa higit isang taon kong pagmo-model, wala pa naman. But because we are now in the Philippines, and mas maraming nakakakilala sa akin dito... who knows, 'di ba?
Sinabi niya sa akin na gusto raw ng mga reporters na naroon din ako sa interview, as usual. Pumayag ako since wala naman akong nakikitang problema. Mas maigi pa nga siguro iyon para hindi ako mabagot kahihintay sa kanya mamaya.
Our group has started taking turns. Isa-isang rumampa ang models sa grupo namin suot ang mga signature designs ni Dwight.
Then, my turn came.
Huminga ako nang malalim saka nagbuga ng hangin upang kahit papaano'y mabawasan ang kaba. Nilunok ko lahat-lahat ng bumabagabag sa dibdib saka taas-noong lumabas at sinimulang rumampa like I own the stage and this show is all about me. Nakakadagdag kasi sa confidence kapag ganoon ang mindset ko. Dagdag pa ang bongga at ganda ng design nitong suot kong sleeveless bodycon evening dress with deep V-neck and high slit side na bumagay sa style at kulay ng suot kong maskara, na mula kilay hanggang sa tungki ng aking ilong nakatakip, like it was really made for me!
Hindi mapigilang umangat ng aking labi sa tuwa nang makita ang reaksyon ng mga manonood. Mukhang totoo nga ang sinasabi sa akin ni Dwight na sikat na ako at may fan pages pa sa social media.
I even saw my screen name, "Goddess Purple Butterfly" na may tatlong hearts na kasunod na nakasulat sa isang placard, bitbit ng mga nakaunipormeng estudyante na nakaupo sa unang hilera ng mga upuan ng audience habang mangha akong pinapanood at kinukunan ng video. I also saw some placards sa iba't-ibang direksyon sa malawak na auditorium na iyon kaya 'di ko mapigilang mangiti at maramdaman ang pagtunaw ng hiya sa kabila ng mga flash ng camera na tumatama sa akin.
Ang sarap pala sa puso ng may humahanga sa'yo!
I did my final pose by simply folding my right arm with my hand on my small waist while proudly looking at the numerous applauding audiences in this humongous place. I scanned the venue with my eyes, from left to right, and happily smiled at the spectators kahit wala akong kilala sa mga iyon, except Dwight.
That's what I thought.
Tila ako binuhusan ng malamig na tubig nang maaninag sa 'di kalayuan ang pamilyar na bulto ng katawan ng lalaking may kausap sa cellphone ngunit nakapako ang tingin sa akin. His lips parted, eyes widened and looked so shocked with what he's seeing... Like me.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...