Chapter 14

13 1 0
                                    

Namungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Parang kinurot ang puso ko nang makita siyang ganoon. May nasabi ba akong mali?

Napapikit ako nang mabini niyang hinaplos ang aking pisngi. Ang sarap damhin ng init na nagmumula sa malaki niyang kamay. Magaspang ang kamay niya pero hindi nakakasakit sa balat. It screamed gentleness, and brought unfamiliar sensations to my system.

Ang malakas na kalabog ng dibdib ko at ingay na gawa ng mga dahong hinihipan ng hangin ang tangi kong naririnig sa pagitan namin.

Napasinghap ako nang idikit niya ang kanyang noo at ilong sa akin. Nanlambot ang katawan ko at rumahas ang sipa ng puso ko. Kung may sariling mga paa lang siguro ang puso ko ay baka kanina pa ako nilayasan nito sa kaba! Pigil hininga kong hinintay ang mga susunod niyang gagawin.

"Amorah..." sambit niya, tila hinehele ng boses niya ang puso ko. "Alam kong hindi ka magtatagal dito. Next week, uuwi ka na... at iiwan mo na 'ko."

Parang may kung ano'ng sumaksak sa puso ko sa lungkot ng pagkasabi niya roon. Napamulat ako nang ilayo niya ang mukha sa akin. His eyes were sad, but his serious expression tried to conceal it.

"We don't even know kung makakabalik ka pa lalo na at pa-Grade 12 ka na. And soon, magka-college. You'll be busy with your studies, your life, and your dreams. You're right, you're still so young. At alam kong marami ka pang gustong gawin sa buhay. I also want you to explore the world, and know yourself even more. And for you to realize kung tunay nga ba ang nararamdaman mo para sa'kin even with our distance," he sighed sadly. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "You're still 17. While I'm 26. With our age gap, dagdag pa na mahirap lamang kami, baka hindi tayo payagan ng mga magulang mo at ilayo ka lang nila sa'kin..."

He brought my hand over his chest, letting me feel the harshness of the kicks inside it. He looked so helpless, and hurt. It pained me.

"Hindi ko makakaya 'yon, Amorah. Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero... mahal na mahal na kita. At wala akong ibang gustong dalhin sa altar upang pangakuan sa harap ng Diyos kundi ikaw lang."

The corner of my eyes heated. And I couldn't process any words to say... Or at least... digest everything he said to me. Nagulat ako sa biglaan niyang pag-amin. I even found myself unconsciously holding my breath! And when I finally realized everything he just said, I gasped. Oh, the late reaction I had. Natutop ko ang kamay sa bibig habang pinapanood ang naninimbang at mapupungay niyang titig.

Ang saya ko! Hindi ko alam ano'ng sasabihin sa mga ganito, pero... Talagang ang saya-saya ko!

Imagining myself as a bride, and him as my groom... Oh my gosh, hihimatayin na yata ako sa tuwa!

Is this really happening? Talaga bang m-mahal niya ako? Dahil ako... Oo. Matagal na siyang mahal!

I want to answer him. I want to assure him, na siya lang din. I want to say yes to his offer. I've heard about people proposing to their loved ones pero kung ito na ang proposal niya, kahit walang rings o anumang party, okay lang sa'kin. Ang mahalaga ay itong nararamdaman namin.

But before I could even answer him, he continued...

"Pero sa ngayon... Kahit masakit, let's remain friends muna, Amorah. If this is the only way I could still see you. At kung ito lang din ang paraan para hindi ka nila ilayo sa'kin, ayos lang. You're still a minor, too. Girls your age should focus on achieving your dreams and goals in life. At ayaw kong matali ka sa'kin nang hindi nakukuha ang mga nakasanayan mo. I wanna give you the world. I wanna give you everything I can offer in this life. I want you in my life badly but... I'll work on mine first. Mag-aaral akong muli. Magtatrabaho ako at magsisikap hanggang sa mapatunayan ko sa lahat na kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo, na kaya kitang buhayin sa nakasanayan mong buhay, alagaan at lunurin ka ng pagmamahal ko. I will do everything for us to be accepted. Be it your family, or everyone around us. I will work on myself for our future, Amorah. For our future life together..."

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon