3rd Person's POV
Samantalang sa mansyon ng mga Primacio...
Patapos na ang programa para sa welcome party ni Zeke kaya umakyat na silang magkakaibigan sa terrace ng ikatlong palapag ng mansyon. Kitang-kita mula roon ang kabuuan ng engrandeng ayos ng venue sa malawak na hardin. Aliw nilang pinagmasdan ang dami ng bisita, kasama ang mga magulang.
"Welcome back ulit, Zeke! Yung totoo, for good na ba ang pag-stay mo rito sa Pinas?" tanong ni Yve, hawak ang baso nito ng lemon juice na paubos na.
Pinagbawalan kasi ni Andrei na uminom ng alcoholic drinks kaya nag-juice na lamang, like the rest of the girls. Nakasandal ito sa balustrade ng terrace, gaya niya at nina Lia at Jia. Masayang nakatingin kay Zeke.
"I really liked to. Depende pa rin sa takbo ng panahon... pero sana nga," nakangiting sagot nito.
Katabi nito sa magara at malapad na rattan chair si Andrei na nakikinig lang sa kanila.
"Balita ko, sa ospital ng pamilya ni Jia ka na raw mag-i-intern. Konting tiis na lang, Zeke, at matutupad mo na rin sa wakas ang pangarap mong maging surgeon!" nasasabik niyang ani para sa kaibigan.
"Tama. Kaya mag-asawa ka na, kuya. Para dito ka na talaga sa Pinas mamalagi. Baka kasi, isang araw na naman niyan, bigla kang aalis ulit nang hindi nagpapaalam," si Lia, bakas ang tampo sa kapatid.
Napangiti si Zeke sa tinuran nito. Marahang nagbuntong-hininga. Nagbaba ng tingin at pinagmasdan ang basong kaunti na lamang ang laman na wine. Malungkot nitong inalala ang dahilan ng kanyang paglayo. Ilang ulit na kinurap-kurap ang mga mata, pinapaalis ang namumuong init sa gilid nito. Saka naramdaman ang sumariwang sugat sa puso. He sighed, pilit na tinatanggap ang mga nangyari sa nakaraan.
Nang mag-angat ng tingin ay awtomatiko iyong dumako kay Jia. Her eyes twinkled by something but before he could even confirm, she looked away. Nagtaka man at bahagyang nag-alala ay pilit na isinantabi muna ni Zeke ang nakita upang sagutin ang tanong ni Lia.
"Wala pa nga akong girlfriend, e. Mag-asawa pa kaya? 'Tsaka... may hinihintay pa ako," parinig niyang tugon.
And successfully, mangha at awang ang mga labi na ibinalik ni Jia ang tingin kay Zeke. Nangingiti namang pinagmasdan ni Zeke ang ekspresyong naglalaro sa maganda at maamo nitong mukha. Para kasi itong nakarinig ng 'di kapani-paniwala pero nakatutuwang balita.
Tila nabuhayan ng pag-asa ang puso ni Zeke sa nasaksihan.
"Habang buhay ka na lang bang maghihintay? Pormahan mo na kasi! Sige ka, baka maunahan ka na naman ng iba d'yan, marami pa namang umaaligid-"
Mabilis pa sa alas-kwatrong tinakpan ni Zeke ang bibig ni Andrei gamit ang kamay bilang putol sa sinasabi nito. Nagulat ito sa ginawa ng kaibigan pero 'di naman pumalag.
Naeeskandalo nitong pinandilatan si Andrei saka binawi ang kamay. "Dude naman, 'wag mo naman akong ilaglag!" naeeskandalong bulong ni Zeke. Tiningnan ang mga kaibigan saka ngumisi sa mga ito na parang walang nangyari.
Kunot-noo siyang tiningnan ni Andrei. "Ewan ko sa'yo. Ang torpe mo talaga pagdating sa kanya. Paano mo malalaman kung gusto ka rin ba niya kung hindi mo sasabihin ang nararamdaman mo? Ano, ako na ang magse-set-up sa inyo para matapos na iyang paghihintay mo?"
"Ano'ng binubulong-bulong n'yo diyan?" takang tanong ni Lia sa kanila.
Sinenyasan ni Zeke si Andrei na e-zip ang bibig bago nilingon ang kapatid at mga kaibigan na nasa kanila na ang atensyon.
"Ah... w-wala, may tinatanong lang si Andrei," rason ni Zeke.
Andrei's eyed widened in fraction, then pointed himself. He mouthed, 'Huh? Bakit ako?.' But Zeke only nodded fast, and signalled using his brows to just go with what he said. Andrei was left dumbfounded.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...