Chapter 7

18 1 0
                                    

3rd Person's POV

"Yes, Mr. Martinez. Please go on," ma-awtoridad na utos ni Conrad sa Marketing Manager ng kompanya via virtual conference.

Nakaupo siya sa kama. Sa maliit na mesa ng kwarto niya ipinatong ang laptop. As usual, seryoso ang kanyang mukha at pormal na pormal magsalita, dahil na rin sa posisyon sa kumpanya.

Ganoon din ang pagkakakilala sa kanya ng mga katrabaho kung kaya't nai-intimidate ang mga ito sa kanyang presensya lalo na kapag kaharap siya ng mga ito. Kahit pa nababaitan sa kanya at satisfied sa kanyang management.

"Ang bait-bait talaga ni sir, kahit napakaseryoso at masungit tingnan!"

"Sinabi mo pa!"

"Ang hot at ang gwapo rin!"

Nagtilian pa ang mga ito.

Iyon ang mga salitang hindi niya sadyang marinig mula sa iilang empleyado noong nagpatawag siya ng meeting sa conference room para sa gaganaping team building ng kumpanya. Akmang papasok na siya sa loob nang marinig ang mga katagang iyon. Napangiti siya bago tinulak ang pintuan papasok.

Iyon ang unang taon niya sa kumpanya at ang unang pagkakataon na sabay mag-ti-team building ang lahat ng departments nito. Sa La Versalez Resort, isa sa mga beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ng ama at isa sa pinakasikat at pinakamagandang beach resort sa buong Pilipinas, nila gaganapin ang unang company team building. Kaya naman, labis-labis ang pasasalamat sa kanya ng mga tauhan.

Mula noon ay sa iba't-ibang magagarang beach resorts na, na hawak niya, nila ginaganap ang team buildings lalo na't pansin niya ang malaking improvements ng performances ng mga empleyado mula nang ginawa niya iyon. Isama na rin ang increased bonuses at allowances na ipinatupad niya para sa mga ito.

Hindi lang ang main branch ang binigyan niya ng ganoong treatment, kundi pati mga branches at iba pa niyang hawak na mga businesses. Kaya hindi halos umaalis ang mga tauhan niya kahit pa paretiro na, o dahil sa iba pang mabibigat at personal na dahilan kung kaya't kailangan ng mga iyon na iwan ang kumpanya.

He was hailed as the Most Promising Young CEO of the year for 2 consecutive years in the 32 months of assuming his position. Hindi nga lang siya pumupunta ng personal sa ganoong events dahil gusto niyang ilihim sa media ang pagkatao hanggang sa matapos ang kontrata niya sa ama. He didn't intend to hold the company in his hands for long anyway.

Ikinatuwa niya ang magagandang feedbacks ng mga tauhan sa kanya, at ch-in-a-challenge naman ang sariling pagbutihin pa ang ginagawa tuwing may maririnig na mga negatibo.

Nakatuon ang lahat sa presentasyon ng may edad nang si Mr. Anthony Martinez, lalo na ang binatang anak nito na halos ka-edad lamang ni Conrad at itinuturing siyang kakumpetensya sa halos lahat ng bagay na si Arthur Martinez, ang Chief Operating Officer (COO) ng kumpanya.

"That's all, Mr. Monte de Ramos," ani Anthony nang matapos.

Tumango-tango siya, sang-ayon sa mga narinig mula rito. "Thank you. That was comprehensive indeed. Any concerns, everyone?" tanong niya sa mga nasa kabilang linya.

Nasa loob ng moderno at malawak na conference room ng kumpanya ang mga ito.

Nagtinginan ang mga empleyado kung sino ang may ibig na itanong. Nang makita niyang walang gustong magbahagi ng concerns ay naisipan niyang tapusin na ang meeting. Naroon pa kase sa banyo si Amorah at gusto niyang ipaghanda ito ng agahan bago pumasok sa klase.

"I will be joining you later. Please hand in your reports to Mr. Navarro," utos niya sa mga naroon.

Tumango sa kanya si Ken Navarro, ang sekretarya niya, nang magtagpo ang kanilang mga mata.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon