Chapter 12

18 1 0
                                    

Conrad's POV

Earlier that night...

"Did she tell you what happened to her for the past 3 years? I bet not. Why would she, kung hindi ka niya naaalala? Why? Because you ruined her life! She almost died in that accident kaya tinago siya ng pamilya niya sa'yo! She's back, yes. But not her memories. And if I were her, and if I were to know you caused my family such fortune just to bring me back to life, babalik pa ba ako sa'yo?" she laughed mockingly at that. "Kung ayaw mong maniwala, be my guest. But... what do you think is the reason why she just appeared now? Well, you can talk to her parents if you have the guts. That is if... kung handa ka na sa galit nila sa'yo..." naalala kong sabi ni tita Wendy.

The news shook me to the bones.

At hanggang ngayon, naninikip pa rin sa sakit ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos, at para bang gusto ko na lang maglaho na parang bula!

Hindi ko alam ano'ng gagawin... maliban sa pag-inom at pag-iyak upang ibuhos ang nararamdaman kong sakit... at guilt.

I am such a mess. A jerk.

Why am I even crying when I don't deserve to? Do I even have the f*cking right to be hurt?

Ako, na may kasalanan ng lahat?

Ako, na siyang sumira sa pangarap na binuo namin ni Amorah?

Ako, na siyang dahilan ng kanyang pagdurusa?

Ang kapal ng mukha kong magpakita pa sa kanya pagkatapos ng lahat!

Tita Wendy's right. I ruined Amorah's life. I took away the innocent and lively days of her life.

Nang dahil sa kagag*han ko! Nang dahil sa galit ko sa mundo, nadamay siya.

Hindi ko man lang pinakinggan kung bakit n'ya nagawa sa'kin 'yon. Hindi ko man lang pinagkatiwalaan ang pagmamahalan namin kahit pa alam kong hindi niya 'ko kayang saktan!

Muntik na siyang mamatay dahil sa bwis*t na pride at galit ko!

Amorah... patawarin mo ako, mahal ko. Paano pa kita haharapin nito?

Now, it all made sense kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas niya sa akin. Akala ko, ginagawa niya iyon dahil gusto lang niyang makalimot. Akala ko, hindi niya ako halos pinapansin, ni tinutugunan ang damdamin ko dahil nag-move on na siya at ayaw niyang guluhin ko pa ang mapayapang buhay niya ngayon. Akala ko... sinasadya niyang ibahin ang topic tuwing nag-o-open up ako sa nakaraan namin para 'di siya mailang. 'Yun pala... Wala talaga siyang maalala. At ako ang dahilan kung bakit nagdurusa siya ngayon!

Hindi ko man lang binigyang pansin ang lungkot sa mga mata niya tuwing pinapaalala ko sa kanya ang nakaraan namin...

Napaka-selfish ko talaga! Gag*! Bob*!

"Conrad! Itigil mo na yan, ano ka ba? Nasasaktan mo na ang sarili mo!" narinig kong awat sa'kin ng isang lalaki nang saktan ko ang sarili.

Hinawakan nito ang mga kamay ko bilang pagpigil, kaya hindi ko na nasampal muli ang mukha. Agad kong naramdaman ang tila pamamaga at pagkalat ng init sa mga pisngi ko.

Pamilyar ang boses ng lalaki pero ewan. Hindi ko na halos maibuka ang mga mata ko sa kaiiyak. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Gusto ko na lang mawala para wala nang problema!

"Iuuwi na kita sa penthouse mo. Ang dami mo nang nainom, o!"

Ah, si Arthur pala. Kung makasigaw parang kami lang dito sa bar, ah. Tama, baka pinadala na naman 'to ng tita niya.

"B-Bakit ka n-nandito, huh? Para p-pagtawanan ako? Para m-masigurong wasak na wasak nga ako pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko? Oo na! Nagwagi na kayo! P-Patayin n'yo na lang ako, mga hay** kayo! Pinapatay n'yo na lang sana ako noon nang wala ng nadamay!"

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon