Namayani ang sandaling katahimikan sa loob, habang ang puso ko ay nagwawala at tanging ang nakabibinging dagundong nito ang aking naririnig. Gulong-gulo ang isipan ko. Pigil-hininga akong nag-aabang sa susunod na mangyayari.
Ayo'kong mag-isip ng kung anu-ano sa narinig ko kanina. Ayo'kong isipin na... dahil sa paghihiganti ay kaya niya lang ako binalikan.
Mahal niya ako, iyon ang sabi ni Conrad. At lagi niya iyong pinatutunayan sa bawat araw na magkasama kami, kahit noong wala ako sa kanyang tabi.
Tama, hindi ko narinig nang buo ang kanilang pag-uusap kaya hindi ko siya dapat na husgahan dahil lang sa huling narinig.
Maya-maya'y narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni dad. It was just a sigh, ngunit ang emosyong taglay niyon ay tumagos sa puso ko. Tila ako nilukob ng lungkot at nakaramdam ng guilt. Nanikip ang dibdib ko. Namuo ang luha sa aking mga mata ngunit pilit ko iyong nilabanan.
"We knew it. Kaya itinago namin sa'yo si Amorah. Siya lang ang meron kami na hindi makukuha ng iba pero... nabigo kaming protektahan siya at ibigay ang kinabukasan na nararapat sa kanya."
Diniinan ko pa ang pagtakip ng kamay sa aking bibig upang hindi kumawala ang mga hikbi sa narinig.
Umalingawngaw ang mga hikbi ni mommy. Tila kinuyom ang puso ko. Ang sakit. Ang sakit marinig at masaksihang ikaw ang dahilan ng pighati ng mga magulang mo.
Bakit ganito?
Dad... Mom...
"You need not to worry about that, Mr and Mrs. Mateo. Just name the price. It's either you give her to me and save your business, or lose everything you have worked for all your life. Time is running. I want your decision now," utos na pagsabi ni Conrad; seryoso at tila mawawalan na ng pasensya.
Napailing-iling ako. Hindi ito ang inaasahan kong marinig. Ganoon ba siya kadesperado at gusto niya pa akong bilhin at pabagsakin ang negosyong pinaghirapan ng mga magulang ko?
No! Hindi niya magagawa ito. Mahal niya ako, 'di ba? Mahal ako ni Conrad!
"It's not like you have choices anyway. Buntis siya, at ako ang ama. Kaya wala na kayong magagawa pa."
Tila ako nawalan ng lakas at nahilo. Nanlambot ang tuhod sa pagkatalo. Mariin kong nilapat ang likod sa pader na sinasandalan upang humuhugot ng lakas at hindi matumba.
NATAGPUAN ko ang sariling tumatakbo palabas ng mansyon. I was too ashamed and guilty to even go in there and ask him myself or comfort my parents and apologize.
Ganoon lang ba iyon? Was it really all part of his game? Was I... nothing but a tool for his revenge?
Huminto ako nang hiningal at sumakit ang puson. Napasandal sa matayog na puno sa loob ng hardin, malapit sa gate. Natatabunan ako ng anino ng puno, almost like invisible to the guests. Ilang metro ang layo ko sa mesa ng mga bisita.
Kinabahan ako, nawala sa isip kong buntis nga pala ako at kailangang mag-ingat. Hinaplos ko ang tiyan at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Naninikip-dibdib kong niyuko ang maliit na umbok sa aking tiyan.
"I'm sorry mga anak... kailangan n'yong pagdaanan ito dahil sa katangahan ng mommy n'yo."
Kumawala ang isang hikbi sa aking bibig, hanggang sa hinayaan ko na lamang na dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Lahat ay masayang nag-uusap. Hindi naman siguro nila mapapansin ang pag-iyak ko dito? Sinisikap kong hindi makagawa ng ingay.
Hinanap ng mata ko ang mesa ng mga kaibigan. I saw how happy they looked with their parents.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...