Chapter 24

26 1 0
                                    

Tamang-tama lang ang init ng panahon at 'di masakit sa balat. Ang sarap din sa paa habang naglalakad sa buhangin, we're carrying our flip flops while enjoying our walk. Pinong-pino at medyo mainit sa paa pero keri lang. White sand pa! Just like those nice beaches we've been na magbabarkada.
But this time, is more than special. Kasama ko lang naman kasi ang pinakamamahal ko dito.
Minutes ago ay napagdesisyunan naming tumambay muna sa beach. Speaking of him, halos magtatanghali na pala pero ni anino niya at ng mga kasama ay 'di pa rin namin mahagilap.
"Ay sus, nami-miss kaagad, eh ilang oras pa lang 'yong wala!" natatawang komento ni Jia nang sa 'di mabilang na beses ay napatanong ulit ako kung kailan babalik ang mga lalaki.
Napanguso ako. Kainis, nami-miss ko na ang amoy ni Conrad. Naadik na yata ako sa kanya.
Ewan, pero mula nang magsama kami sa iisang bubong, hindi na'ko napapakali pag 'di ko naaamoy ang natural na bango niya maya't-maya. Kaya ang ginagawa ko, nagdadala na ako ng t-shirt niya sa klase.
Tinawanan nga niya ako minsan at tinudyong pwede naman daw na s'ya ang dalhin ko, o hindi na lang siya pumasok sa trabaho at ako sa klase ko. 'Lang hiya talaga, buntis na nga ako eh, pinapakilig pa!
Ginawa ko noong parang scarf sa leeg ang shirt niya para malapit lang sa ilong ko. Inaamoy-amoy ko iyon habang nakikinig sa mga propesor o 'di kaya'y tinatakip ko sa ilong. Nakakakalma kasi, at feeling ko nand'yan lang s'ya lagi sa tabi ko kahit papaano.
Na-weird-uhan nga sa'kin ang ibang kaklase ko eh. May iba ring nagtataka. Hindi raw ba ako naiinitan. Naka-aircon naman ang classroom namin kaya hindi mainit 'no. At kahit mainit pa, basta't amoy-amoy ko ang bango niya, okay lang!
Nilipad kong muli ang tingin sa malawak na karagatan sa aming harapan na para bang doon ko mahahanap ang taong mahal ko. I felt calmed and relaxed while staring at it. So quiet and peaceful. I softly sighed.
"Hay naku, girl, for we know, ikaw rin 'no, nami-miss si kuya!" humagikhik pa si Lia pagkasabi.
Pagkalingon ko ay ang namumulang mukha ni Jia ang agad na sumalubong sa akin. Nakanguso, at kunwari pang may tinatanaw sa dagat.
Pareho kaming nagpalitan ng makahulugang ngisi sa reaksyon niya. Kung bakit kasi 'di pa sinasagot, eh halata namang gusto niya rin!
"Pero nga, kanina pa silang umaga at halos lunch na. Nasaan na kaya sila?" kapagkuwa'y himutok ni Yve.
Nagtinginan ulit kami at halos sabay na bumuntong-hininga. Ibinalik ko na lamang ang mata sa dagat.
Hindi naman sa nag-aalala ako, pero mga tatlong oras na kasi silang wala. Ang sabi nila, madali lang daw sila matatapos. Nasaan na nga kaya ang mga 'yon? Pabalik na siguro sila. Syempre, hindi ako matitiis ng Conrad ko, 'no.
I felt myself surrending to the warm yet relaxing and calm breeze of the sea. Napapikit ako...
"Ang payapa. Ang sarap sa pakiramdam," basag ko sa katahimikan.
Nilanghap ko ang nakakakalmang hanging-dagat. Ang sarap sa puso, at ang gaan sa dibdib! Sana ganito lagi, payapa at walang inaalala.
Nakaramdam ako ng mga matang nakatitig sa akin kaya napabaling ako ng tingin sa mga kaibigan ko. And I'm right. They're all looking at me right now... worriedly and curiously.
We're seated on a beach chair with a canopy shading us from the sun. Nasa kaliwa ko si Lia. Nasa kanan ko naman si Yve at sa kanan nito ay si Jia. They all looked so d*mn sexy and hot with their two-piece swimsuit. Revealing their goddess shape and aura that every man would die for.
"May... problema ba, Amorah? May hindi ka na naman ba sinasabi sa'min?" nag-aalalang usisa ni Jia.
Meron nga ba? Pero wala akong matandaan...
"W-Wala naman..." siguro?
Ibinalik ko ulit ang tingin sa linyang naghihiwalay sa asul na kalangitan at sa karagatan.
Ewan, medyo nailang ako sa tanong niya. Wala naman akong maalalang problema pero napapaisip ako. Ang weird na ng nararamdaman ko mula nang magkausap kami ni tita Rosa.
Sa aming lahat, si Jia ang unang nakakapansin pag may problema ang isa sa amin. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon pero parang mas matanda pa siya sa aming lahat mag-isip kung minsan. Sa mga babae, mas matanda si Yve sa amin ng dalawang taon. Si Lia, ilang buwan lang ang tanda sa akin.
Naramdaman ko ang mainit na palad na dumapo sa mga kamay kong pinaghugpong sa ibabaw ng aking maliit na tiyan. Pagkalingon ko'y si Lia ang tumambad sa akin.
"Basta, pag may problema, nandito lang kami. Wag mo'ng solohin, okay? We're all in this together." napangiti at tumango ako bilang sagot. Tila naman nabunutan ng tinik si Lia saka ngumiti sa simpleng tugon ko sa kanya.
"Hi, girls!"
"What a goddess!"
"Can we join you?"
Someone whistled like saw something interesting.
"Hotter than the sun, I see!"
Bungad ng mga bagong dating. Lima sila at puro mga lalaki. May matatangkad at meron ding katamtaman lang. They were all wearing swimming trunks with no top on. Ang pe-presko ng mga dating. Yeah, iyong mga tipong nang-ha-hunting lang ng mga chicks.
"Sorry, no sorry. We're all taken. Buntis na mga itong kaibigan namin," maagap na tugon ni Yve, nakataas pa ang isang kamay na parang pinipigilan ang mga ito sa kung anumang balak.
Bahagya kaming nagulat sa kanya. Sabay pa kaming napalingon na tatlo. Nagpalitan kami ng ngiti saka niya kami nilingon at nagtinginan na apat.
Naku, kung nandito lang si Andrei... natatawa kong in-i-imagine ang malapad na ngisi ni Andrei at ang pagtatatalon-talon nito habang proud na proud na nakikinig sana sa sinabi ni Yve. Baka mabaliw 'yon sa saya! Napailing ako.
"Okay lang 'yan, lupang may titulo nga naaagaw, girlfriend pa kaya?" What the? Nalusaw ang ngiti ko.
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. I raised my brow at him ngunit pilyong nginisihan lamang niya ako pati mga kaibigan ko. He and his friends were all feasting their eyes, surely pleased, with what we're wearing now. Pero bahala sila! Our body, our rules! Kung kailangan naman namin ng tulong may mga lifeguards at security naman sa paligid.
"Y'all don't seem married anyways. We can't see any ring-"
"Eh malunod sa sarili mong dugo, gusto mo?" My heart jumped upon hearing that cold voice!
Agad kaming napalingon sa nagsalita sa aming likod. My heart pounded like crazy, like I've been dying to see him all these years. My one and only Conrad!
Naglalakad na silang apat palapit sa amin. May pagmamadali ang bawat hakbang.
"Baka gusto n'yong d'yan sa kinatatayuan n'yo na kayo ilibing?" Si Andrei!
"Aalis kayo, o magsusukatan pa tayo ng lakas?" It was Zeke!
"Sakto, I brought a pocketknife here. You know, in case someone tries his luck on my baby." and Arthur!
Lahat sila ay masasama ang tingin sa mga lalaking nasa paanan namin nakatayo, nagtatagis ang mga bagang. Galit na galit at tila papatay anumang oras.
Sinalubong ni Conrad ang mga tingin ko. May kung ano'ng humaplos sa puso ko nang agad na lumambot ang mga mata niya at tila ba nagniningning nang makita ako. Hindi sadyang bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Oh my, hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang half-naked pero ang yummy, este, ang ganda talaga ng pagkahulma ng katawan niya. Mula sa mga braso, abs, his V-line and... Waahh!!!
Amorah, buntis ka na! Maghunos-dili ka! Sita ko sa sarili dahil sa naisip. Para tuloy akong kinakabahan sa bilis ng takbo ng puso ko. Pakiramdam ko nga, ang pula-pula na ng mga pisngi ko.
Nasaksihan ko ang pagdilim ng mukha at halos pagdugtong ng mga kilay niya nang makita ang suot ko sa malapitan.
"Sh*t," dinig kong mura ni Andrei. Nasa gilid na namin sila.
Napatingin ako sa kinatatayuan ng mga shokoy na gumugulo sa'min kanina ngunit wala na sila doon. Buti naman!
"Who told you to wear like that, babe?" It was Conrad.
"Bakit ganyan ang suot mo, love?" Si Zeke.
"Seriously, baby, you're torturing me!" It's Arthur.
"Sinasagad mo talaga pasensya ko, sweetheart." at si Andrei.
Halos sabay pa nilang iwinika sa amin- may himig babala. Pakiramdam ko tuloy, para kaming mga batang nahuli na may ginagawang kasalanan.
"Bakit, hindi ba bagay? Kung saan-saan mo kasi ako dinadala eh, ayan tuloy, lalo akong naging chubby," nakangusong wika ni Yve kay Andrei na parang batang nagtatampo. Yumuko pa ito.
Medyo chubby talaga kasi ang build ng katawan ni Yve since highschool, but she's curvy on the right places. She hates her shape at times pero para sa'ming mga kaibigan niya, she's more than sexy and beautiful! Maganda siyang magdala ng damit, at kung ako ang papipiliin, gusto kong ganoon din ang hugis ng katawan ko. Literal kasi siyang may Coca Cola body. And her flawless and beautiful morena skin added so much beauty in her.
Though most of my friends prefer my body type and porcelain skin, I think we're all beautiful the way we are. All girls are!
Agad na umupo sa gilid niya si Andrei, nag-aalala sa sinabi, saka kinuha ang mga kamay n'ya, "I love you just the way you are, my love. Ayo'ko lang na may ibang makakita sa pagmamay-ari ko. I love you, kahit pa ano'ng size o kulay mo, okay? Alam mo 'yon."
At agad na nalusaw ang pagtatampo ni Yve. Kinikilig siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang masuyong mga titig ng nobyo, at saka siya walang hiyang hinalikan nito sa harapan naming lahat! They're even French kissing! Tanghaling tapat pa, hoy!
Mabigat na bumuntong-hininga si Arthur kaya napalingon kami sa kanya, maliban sa dalawang nagtutukaan. Nagtatagis ang bagang habang hinahagod ang kabuuan ni Lia.
"This is not good, baby. Enough of this, please. Magpalit ka na bago pa kita-" he stopped and looked at Zeke who's watching them. He heavily sighed and held Lia's hands, giniya itong tumayo na. "Let's go, bago ko pa makalimutan ang ipinangako ko sa kapatid mo." Napangisi si Zeke. Naguguluhan kaming pinaglilipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"And that is?"
"Sumunod ka na sa boyfriend mo. Susunod na rin kami."
Mangha kong pinakinggan ang mga ito. That's news! Ano kaya ang nangyari sa dalawa at biglang nagkasundo?
"Tama ba 'tong naririnig ko?" manghang tanong ni Lia. Maging siya ay hindi makapaniwala. Si Jia ay namangha rin.
"Oo na, so go!"
"Thank you kuya!" masayang paalam ni Lia.
Hinapit siya sa bewang ni Arthur saka kumaway sa amin bilang paalam. Her sexy fuschia pink two-piece suited her body, especially her milky skin.
"Alis na rin kami bago ko pa sapilitang itali 'to habang buhay sa'kin," nakangiting paalam ni Zeke sa amin habang kumakaway, na parang wala lang ang sinabi. Jia gasped and stood up right away. Napangiti ako sa gulat nitong mukha habang nagpapatianod sa mga kamay ni Zeke. Hindi na tuloy nakapagpaalam. I really admire her sexy back. She's also flawless and has beautiful morena skin. She's so gorgeous with her yellow two-piece.
"Seemed to me that you're abusing your freedom, babe." napabaling ako ng tingin kay Conrad. Umupo siya sa gilid ko. Matiim na nakatitig sa akin. Teka, ano naman ang ginawa ko at parang galit siya? "You're pregnant with our babies. And you're mine. Only mine." inilapit niya ang bibig sa aking pisngi. I gasped when he started brushing his lips from there to my ear, teasing me.
Muling kumalabog ang puso ko at ang pamilyar na kiliti sa aking sistema ay lumitaw, lalo na nang sinadya niyang tawagin ang pangalan ko nang pabulong. Nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya. Wala akong nagawa kundi ang kagatin ang aking ibabang labi. Tumatayo na ang balahibo ko sa kiliti na dulot niya.
"Akin ka lang, Amorah. At ako lang dapat ang makakita niyan lahat. Buti na lang at tumakbo agad ang mga 'yon palayo, kundi ay baka pinadukot ko na ang mga mata nila sa kakatitig sa'yo kanina," nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. P-Pwede n'ya kayang gawin iyon? "Haven't I claimed each and every part of you over and over, especially last night? I don't even wanna stop, pero sabi mo, pagod at gutom ka na kaya hinayaan kitang kumain at magpahinga kagabi. Or... was it just an excuse?"
Napasinghap ako nang maalala ang kahalayan namin kagabi, at bago pa ako makapagprotesta ay kinintalan niya nang nag-aalab na halik ang aking labi. Tutugon na sana ako ngunit agad iyong bumaba sa'king leeg, at pataas sa aking tenga.
I almost can't open my eyes in pleasure!
"C-Conrad..." Sh*t, I almost moaned!
"Mauna na kami, dude," dinig kong paalam ni Andrei matapos ang ilang saglit.
Agad siyang tumigil sa kakahalik. Nalalasing kong idinilat ang mga mata. Medyo na-disappoint ako pero mas mabuti na 'yon kaysa dito pa namin gawin ang gusto niya! Nakakahiya! May part pa naman sa resort na 'to na open in public.
"We're coming too. Baka dito ko pa 'to tuluyan." he said, still looking at me intensely. I gasped in shock.
"Sana all!" ani Andrei saka natawa matapos tampalin ni Yve ang braso niya.
Halos mapatili naman ako sa gulat nang buhatin niya ako na parang bride. Napayapos ang mga braso ko sa leeg niya. Nakatingin sa mga mata niyang may pilyong ningning. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi. "I'm gonna punish you for this. I'll claim what's mine again and again to remind you who you belong to-"
"Babe, nakakaeskandalo! Iyang bibig mo talaga! Oo na, mamaya, iyong-iyo 'to. Ikaw talaga..." nakanguso ko siyang tiningnan. I'm covering his mouth with my hand but still, hindi ako nakaligtas sa kapilyuhan niya. He even licked my palm expertly like it was my... Sh*t, nakakakiliti! Nakakapanghina! Parang nararamdaman ko tuloy siya doon kahit sa kamay ko niya ginagawa. And my wetness... Sh*t!
I tried composing myself and glared at him like it didn't affect me at all. Kahit pa alam kong pulang-pula na ang mukha ko. He chuckled. Kinuha ko ang kamay at muling niyapos sa leeg niya.
"After lunch... dessert kita," pilyong saad niya.
WE had a great lunch indeed with all the seafoods served. And surprisingly, sila rin mismo ang nagluto. Animo'y nasa isang mamahaling restaurant ang pag-garnish ng mga dishes namin maging ang lasa kaya amaze na amaze kaming mga babae sa ginawa nila.
Nakita ko pang napahalik si Lia sa mukha ni Arthur sa tuwa. Syempre, 'di magpapahuli si Andrei kaya humingi na rin ng halik kay Yve, na pinagbigyan naman agad nito. Hindi iyon nakita ni Conrad dahil busy siya sa kakasandok ng kakainin ko at ng kanya.
Ikinuwento nila sa amin kung paano nila nahuli ang mga inihanda nila at kung gaano kasaya ang naging experience nila.
They went by pair. Sina Andrei at Conrad ang magkapares and as expected, halos lahat ng nakahain ay silang dalawa ang nakahuli. Sina Zeke at Arthur naman ang pares. They went onto two separate boats. Ikinuwento nila sa amin kung paano mula sa pagiging palpak nina Zeke at Arthur bilang pair hanggang sa natutunan ng dalawa ang tamang paraan ng pangingisda at tamang teamwork as a pair.
Lahat kami tawa nang tawa and enjoying the sumptuous meal while chatting and of course, bullying the loser team. Normal na talagang may ma-bully sa'min pag ganito. Wala lang naman din kasi sa'min, it's our way of showing our love to one another. Kumbaga pang-aasar lang talaga pero hindi naman napapasobra. We knew our limits.
NAGISING ako nang makaramdam ng pangangalam ng sikmura. Pagod kong idinilat ang mga mata. Ang ilaw sa lampshade, na nasa ibabaw ng maliit na mesang nasa gilid ng kama, lang ang nagsisilbing liwanag sa malaking kwarto. Medyo pagod pa rin ang katawan ko sa ginawa naming milagro. Nilingon ko ang magkabilang side ngunit wala doon si Conrad. I'm now wearing his huge white V-neck T-shirt and his boxers. Hindi ko man lang naramdamang dinamitan na niya pala ako.
Babangon na sana ako nang may pumihit ng door knob. Pinanood ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa ang sanhi ng pagod ko.
"Hi gorgeous, gising ka na pala? Shall I bring your food here, babe?" may malapad na ngiting tanong nito.
"No, sa baba na lang," maagap kong tanggi.
Baka ano pa ang isipin ng mga kaibigan ko pag hindi ako sa baba maghahapunan.
Hindi sa hindi nila alam na may nangyari, ang obvious kasi nitong isa kanina after lunch. Ginawa pang alibi ang pag-ihi ko, sasamahan lang daw ako, tapos, bigla na lang akong dinala sa pinakamalapit na kwarto! Ni hindi nga ako nakapag-dessert. Iyon pala, ako ang dessert!
He nodded then went inside the room. Inalalayan niya ako. Hindi na'ko nagulat nang hilahin niya 'ko pa-banyo. Alam na n'ya ang routine ko.
Magkahawak-kamay naming tinungo kung saan kami magdi-dinner. Namangha ako nang makita ang buong hardin na tila nasa paraiso. Kay dami ng ilaw na kumikislap na tila maliliit na mga buwan. May iba't-ibang kulay ng petals din sa pathway patungong gazebo na kahit dumidilim na'y lantad pa rin ang mga kulay. Mukhang kakapitas lamang din ng mga ito. Ano kayang meron at ang bongga nitong dinner namin? Pinagsuot niya pa ako nitong black sleeveless turtle neck bodycon dress ko habang siya ay naka-formal attire na white long sleeves suit with black bow tie, nasa braso ang black jacket suit. Napaisip ako.
"Did you like it?" tanong ni Conrad sa tabi ko. Isinampay niya sa balikat ko ang jacket n'ya. Pinulupot ang isang braso sa'king baywang at ginawaran ng halik ang aking sintido.
Nakangiti ko siyang nilingon, "Sobra. Ano'ng meron?" halos kinikilig kong tanong.
May kung anong kislap sa mga mata niya na nagdulot ng kakaibang saya sa puso ko. He seemed... very happy.
"Malalaman mo mamaya."
Na-excite ako!
Naglakad kami patungong gazebo. Doon ko nakita ang kaaya-ayang ayos ng loob niyon. May bilugan na mesang babasagin sa gitna na puno ng iba't-ibang klase ng pagkain. May dalawang bangko na bumagay sa ayos niyon at naka-carpet ang sahig. Ang ilaw sa loob ay sakto lang ang liwanag na parang sa isang candle light dinner ang dating.
Niluwagan ni Conrad ang hawak sa baywang ko kung kaya't tuluyan akong pumasok sa loob... Oh my, this set-up... bakit para sa dalawa lang? Bakit parang-
Napahinto ako sa kakaisip ng kung anu-anong mga bagay nang tumugtog ang isang pamilyar na musika. Musikang kinakanta sa akin ni Conrad sa tuwing kinukulong niya ako sa mga bisig niya, at sa tuwing tinatanong ko siya kung gaano niya ako kamahal.
It was Because of You by Keith Martin.
Hinanap ko ang pinanggalingan ng tugtog. I gasp escaped from my mouth when I saw Conrad kneeling. Eyes pleading but full of hope, and almost in tears. Halos tumigil ang aking paghinga sa nasaksihan. Kay bilis ng pagsipa ng puso ko. Natutop ng mga kamay ko ang bibig nang ilabas ni Conrad ang isang munting pulang kahon. Nang buksan niya iyon at lumantad ang isang elegante at napakagandang singsing na puno ng diyamante ay gusto ko na lamang na umiyak dahil sa hindi maipaliwanag na saya sa puso ko. Hindi pa man niya ako tinatanong pero gusto ko na siyang yakapin at isigaw sa buong mundo ang sagot ko!
"Amorah Andrea Michaels- Mateo, ikaw lang ang tanging babae na minahal ko sa tanang buhay ko, at ang tanging pipiliin ko araw-araw. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda, at ang tanging magiging kahati ng puso ko hanggang sa dulo ng aking hininga.
M-Mahal na mahal kita, babe, mula nang unang beses kitang makita at mas lalo pa kitang minamahal at mamahalin sa araw-araw nating pagsasama. Our relationship is never perfect, but I'm glad and more than thankful because you stayed, and l-loved me. H-Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinapasaya sa araw-araw..." katulad ko'y umiiyak na rin siya nang husto sa tuwa.
Ramdam na ramdam ko ang bawat salita niya.
He dried his tears using his wrist and its back. "Pasensya na, ang babaw lang talaga ng mga luha ko basta tungkol sa'yo-"
"Hoooh! Kaya mo 'yan!" malakas na hiyaw ni Andrei sa kanya habang pumapalakpak. Ch-in-i-cheer siya.
Napatingin ako sa gawi nito at sa mga kaibigan kong nakatayo 'di kalayuan sa entrance ng gazebo. Kay lalapad ng mga ngiti nila, at natatawa na rin, kapwa naiiyak na din sa ginawa ni Conrad.
Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nasa aking harapan. Pareho kaming natawa. I'm also wiping my tears using my fingers. Buti na lang, nag-light make-up lang ako ngayon and maroon lipstick, kundi ay baka hindi na maipinta pa ang mukha ko sa mga luhang hindi mapigil dahil sa saya.
"Amorah, my love, my babe, and my everything... Will you marry me?"
Hindi na'ko nagpatumpik-tumpik pa at kay agap kong tumango saka sinabing... "Yes!"
Muling nagsilandasan ang luha niya sa mga mata at manginig-nginig ang kamay na isinuot sa akin ang singsing. Agad siyang tumayo at niyakap ako ng buong pag-iingat at pagmamahal. Tiningnan niya ako sa mga mata, "Ang saya-saya ko. You made me the happiest man alive, babe. I love you so much!" nang hindi hinihintay ang sagot ko ay agad niya akong hinalikan nang buong puso. Hindi iyon ang unang pagkakataong hinalikan niya ako ngunit tila mas tumamis pa sa ang labi niya sa mga oras na iyon.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon