Chapter 21

12 1 0
                                    

Nang papalapit na kami sa entrance ng Mon Amour Beach Resort ay panay na ang tinginan naming magkakaibigan, lahat ay halatang sabik na sabik at 'di na makapaghintay na makapag-unwind.

This is not our first unwinding vacay na magbabarkada pero ngayon lang kami ulit nag-outing after what happened to me 3 years ago at dahil na rin naging busy kami sa kanya-kanya naming personal reasons. Though, nag-me-meet up naman kami tuwing may free time ang lahat, o di kaya'y tumambay every week, lalo na nang ma-fully recovered na ako, which is usually sa malls, sinehan, KTVs or sa bahay ng isa sa amin lang na para sa amin ay masaya din naman.

Ever since nag-aral ako ulit, sa school na kami nagkikita-kita at sinadya talaga naming magkapareho ang vacant namin kung maaari para makapag-update sa isa't-isa, lalo na at nag-aalala pa rin sa health condition ko itong mga kaibigan ko, kahit lagi ko namang sinasabi sa kanilang wala na silang dapat na ipag-alala tungkol sa'kin dahil kaya ko na ang sarili ko.

I know I should be focusing on my healing instead of finishing my studies, just like what Daddy advised, lalo na't hindi pa bumabalik ang mga ala-ala ko, but since may go signal naman galing sa doktor kong pwede na akong bumalik sa pag-aaral ay g-in-rab ko na ang opportunity at nag-enrol this school year to continue my studies and finish it before I reach 30.

I know it's never about kung ilang taon ka na nang magtapos ng pag-aaral, actually, hangang-hanga nga ako sa mga taong kahit mas mataas pa ang edad sa regular na estudyante ay pinagpapatuloy pa rin ang pangarap na makapagtapos sa napili nilang kurso sa abot ng kanilang makakaya, but in my case, since kaya ko naman, at tingin ko'y kakayanin ko kahit ano'ng mangyari, so why not?

NAMANGHA ako nang mapansing may ilang katao na nasa sampu, na hula ko ay mga staffs ng resort dahil sa suot ng mga ito na white collared T-shirt at black jeans with matching white shoes na talagang literal na uniform ang mga istilo, upang salubungin ang aming pagdating.

Narinig ko pa ang magagandang komento nina Lia, Yve at Jia sa masasayang pagbati ng mga staffs sa amin na para bang nag-aabang ng celebrities ang mga ito kahit hindi pa kami tuluyang nakakalapit sa kanila.

Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung ganito ba talaga sila sa lahat ng customers nila, ang ganda kasi sa pakiramdam, lalo na nang makita ko ang mga sabik nilang ekspresyon habang tinatanaw ang salamin ng aming sasakyan na para bang kung sino ang dumating na inaasahan talaga nila lalo na nang nasa entrance na talaga ang sasakyan namin. May pa-balloons pa ang mga ito habang masayang nakangiti at kumakaway sa amin kahit hindi pa namin pinagbubuksan ng bintana, at kahit hindi nila kami nakikita mula sa labas dahil heavily tinted ang glasses ng sasakyan namin.

Nakuha ang atensyon ko sa kapansin-pansing signage sa entrance ng lugar. Welcome to Mon Amour Beach Resort.

Bahagyang bumalik sa isipan ko ang naramdaman ko kanina nang marinig ang pangalan ng beach resort mula sa mga kaibigan ko. Na-weird-ohan, na na-cute-an, na natutuwa... Tunog pangalan ko kasi ang lugar, pero ang mas na-appreciate ko, ay ang ibig sabihin niyon na kung hindi ako nagkakamali ay French word na ang ibig sabihin ay "my love".

Minsan ko na ring ni-research ang ibig sabihin ng pangalan kong Amorah at ang kadalasang lumalabas ay ang mga salitang "Amore, Amor o Amour" na kahit pa sa iba't-ibang linggwahe isalin, ay may ibig sabihin sa ingles na "Love". At ang Andrea naman sa pangalan ko ay may ibig sabihing "Brave or Strong". Amorah Andrea- strong love!

Bahagya akong kinilig sa na-realize ko. Speaking of love... saksi din kasi ako sa pagmamahalan nina daddy at mommy at kung paano nila tinataguyod at pinipili pa rin ang isa't-isa kahit pa sa mga pagsubok na dumating sa relasyon nilang dalawa... kaya siguro iyon ang napili nilang ipangalan sa akin kasi isa ako sa patunay kung gaano nila kamahal ang isa't-isa?

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon